Book Review: Lourd De Veyra’s Little Book of Speeches by Lourd De Veyra

23253208

TITLE: LOURD DE VEYRA’S LITTLE BOOK OF SPEECHES

AUTHOR: Lourd De Veyra

RATING: ☆☆☆☆ (4/5)

May aaminin ako simula ng marinig ko ang pangalan ni Lourd De Veyra at makilala ko yung banda nyang Radioactive Sago Project eh hindi ko talaga siya nagustuhan.As in di ko gusto, at nung sinabi ng friend ko na may book sya at ang title eh Little Book of Speeches, naisip ko na boring siguro ito kase nga naman speech daw eh tpos speeches pa eh di marame, marameng boring, pero sa isang banda nacurious ako, kaya hiniram ko. At ngayon iba yung naging pananaw ko sa manunulat na si Lourd De Veyra, ang angas mo dre’ para sakin ang galing mo, matalino ka at higit sa lahat napahanga mo ako dahil sa librong ito. Nag-iba yung pananaw ko sa taong ito in short wasak talaga!!

After reading this book i just want to read it again gusto kong namnamin, yung tipong hindi ka makamove on kasi alam mong may sense siya at kahit na may part na nakakatawa parang nandun yung gulat at sampal na iiwan ng bawat speech niya sayo. Yung minsan masasabi mo na nga lang na “Oo nga ano!” Sa bawat speech na sinabi niya lage ito nagiiwan ng tatak sa bawat taong nakikinig non, Yung mga topics na alam natin na talagang nangyayare lalo na sa larangan ng journalism, arts or kahit sa pagiging mamamahayag o kahit bilang estudyante, guro, yung mga nagtatrabaho o kahit ng simpleng tao lamang. Magiiwan siya ng lamat sa sarili mo sa puso o sa buong pagkatao mo.

Ilan sa mga speeches na ito ang tumatak at naging paborito ko:

1. THE FUTURE SO BRIGHT YOU GOTTA WEAR SUNSCREEN
[Haha gusto ko to at tama nga sa taong 2030 malamang lahat ng kanto natin may nagsasabi nang “Happy to serve you, yes.” Yung lahat ng kanto may SM, ultimo paaralan at unibersidad SM, hospital SM lahat ng establishment SM. What would happen 15 years from now??]

2. PALAYAIN SI INDAY
[Sobrang nagustuhan ko tong speech na ito siguro dahil na rin sa ang topic na ito ay tungkol sa silid aralan, sa mga guro at mga nangyayare sa loob ng ating mga naging silid aralan bukod sa naisip ko ang nanay ko na isang guro. Nacurious ako sa librong Trip to Quiapo ni Ricky Lee at gusto ko itong basahin. At tama nga hindi lang sa loob ng klasrum nagtatapos ang obligasyon natin bilang estudyante kundi bilang tao sa labas noon madame tayong maibabahagi na karunungan sa ibang tao, sa mga katulad ni Inday na nagsikap na magkaroon ng ibang kaalaman na binabahagi ng mga ibang tao. Oo lahat tayo alam nating ang sarisarili nating Quiapo, tama at sana sa napili nating Quiapo wag sana tayo malugmok sa baha neto.]

3.AN IMAGINARY STATE OF THE NATION ADDRESS
[Di ko alam kung bakit pero nagustuhan ko itong speech nya na ito medyo seryoso at minsan hindi ko masyado naiintindihan yung kalaliman nya pero sa isang banda napakaganda ng pagkakasulat nya neto, madame siya nakitang mga importanteng isyu na dapat nabibigyan ng pansin ng ating gobyerno.]

4. SUMAYAW KA NA LANG
[Isa din ito sa ngustuhan ko, tama magpakatotoo ka at wag mo kalimutan kung san ka nakatungtong, kung sakali man sumayaw ka na lang.]

5. ANG TUNAY NA PINUNO AY TUNAY RING REBELDE
[#HAPPYCHENCHENDAY Hahaha sino si Chenchen? Sa isang parte neto nagustuhan ko yung sinabi nyang Magbasa tayo, sa panahon kasi ngayon aminin man natin o hindi marami sa kabataan ang hindi na gusto ang magbasa, magbasa ng mga literatura na tinuturo sa paaralan baka sa susunod na panahon wala ng makakakilala kay Jose Rizal, sa kabilang banda unti unti nakakalimutan na ng mga kabataan sino ang mga bayani halimbawa na lang si Apolinario Mabini (sa palabas na Heneral Luna) na hindi na kilala ng ibang kabataan. Wag naman sana]

6. SERMON SA MGA FASHYOWN
[Alam na kung bakit.. katulad ko mas nanaiisin ko bumili ng libro, ng marameng marameng libro kesa ng magarang damet o sapatos.. Ito ay depende na din sa hilig ng isang tao, basta ako mas okay sakin yung libro,  yun ay akin lamang ewan ko sa inyo.]

Yan ay ilan lamang sa mga speeches nya na nagustuhan ko, pero higit sa lahat maganda itong compilation nya ng mga speeches, makabuluhan naman at puno ng impormasyon. Unexpected read tlaga ito for me, Wala akong inexpect na kahit na ano dahil pakiramdam ko palang boring to at dahil di ko nga sya gusto di ba pero sobrang napahanga nya ako. Kaya karapat dapat na bigyan to ng 4 stars para sa talino at galing ng may-akda.

e

Binibining `E
Binibining `E works for a BPO company by day and is a supersized, weird and peculiar super hero by night who loves the sea, the sand and the sun. She has been eating books for breakfast, lunch and dinner and even for desserts too. An amateur sketcher, can draw when bored. Can write at times and whenever she thinks she can. A certified bibliophile, expect lots of book reviews and adventures with this ugly writer. She is not an ordinary girl. She is peculiar indeed. Will prefer basketball over drama, books over telenovelas, a good book and a cup of coffee over tv.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of