Bakit nga ba mahal kita (hindi ito yung kanta)

Published by Binibining `E on

TUW Default Image

Mahal na nga ba kita? Yung mga salitang lage natin tinatanong sa sarili natin pero mas madalas eh dinedeny din natin sa kadahilanang ayaw natin tanggapin na posibleng mahal mo na nga yung tao. Maraming dahilan eh ewan kung bakit minsan dumadating ka sa puntong ayaw mo aminin yan sa sarili mo. Eh, magulo di ba? magulo naman talaga ang pagmamahal. Parang ikaw, parang ako, parang tayo. Magulo. Pero masarap magmahal, kahit minsan masakit. Aminin mo na! Totoo naman di ba?

Sabi ni The Poetess sa love notes nya na Mahal mo ba ako? Naassociate nya yung tanong sa akin. Eh bakit? Dahil ba lage ko din tinatanong kung Mahal mo nga ba ako? Oo pwedeng ganun kaso ako nassociate ko yung tanong sayo naman kasi gustong gusto ko nga yan itanong sayo eh Mahal mo ba ako? Pero takot akong itanong yan kasi bes alam ko na magiging sagot mo, oo assuming ako eh, assuming na ang magiging sagot mo sa tanong na yun eh hindi. Oo, Poetess krimen and mag assume bukod sa mesheket nga. Anak ng cupcake ni kim chiu mesheket yun eh kaya ayoko itanong, kaya kung ang tanong ni Poetess eh Mahal mo ba ako? ang tanong ko naman ay bakit nga ba mahal kita?? Mahal nga ba kita talaga?

Ano nga ba yung risk ng pagtatanong ng ganito? Sa sarili ko dalawa lang eh aminin ko sa sarili ko na oo mahal kita or lolokohin ko sarili ko at magpanggap na hindi. Oh kaya sarili ko na lang ang tatanungin ko mahal nga ba talaga kita? o pakiramdam ko lang na mahal kita o naaakit lang ba ako sa taglay mong alindog? o sa kagwapuhang ako lang ang nakakakita? Ikaw ba natanong mo ba sa sarili mo yan? Ako kasi maraming beses na naaasar na nga yung sarili ko sa pagtatanong ko eh iisa lang naman din kasi yung isasagot ko OO, mahal nga kasi kita. paulit-ulit, hindi dahil sa alindog o sa kagwapuhan mo ito eh basta sabi nung puso kong patay na patay sayo eh mahal kita. Oh ano masaya ka ba? masaya sana kung malalaman mo eh kaso hindi naman di ba kasi nga brad ayoko nang sabihin sayo yun. Maging masaya ka kaya pag nalaman mo o lalayo ka kasi ayaw mo. Masaklap kasi yan kaya di ko na aalamin kung bakit malayo ang Saturn. Parang ganun lang yan kahit ano gawin ko hindi ako makakapunta sa Saturn parang sa puso mo kahit tumambling ako at mag Chinese get-up eh hindi ako makakapasok sa puso mo.

Sabi nila pano daw kung mahal mo din pala ako tapos di ako nagtapat sayo, oh eh di nasa huli ang pagsisisi pero teka bakit ba kayo nangengealam nasa huli nga ang pagsisisi eh di ganun talaga. Kasi kung mahal din pala niya ako ano ang pumigil sa kanya para magtapat din dahil din ba sa tanong na mahal mo ba ako? Magulo nga di ba. Kung para kayo sa isat isa ganun din yun magkakatagpo at magkakatagpo din kayo. Kung hindi eh di hindi. Tapos. Basta sabi ng puso ko mahal kita, pinapangarap pa din kita at ikaw pa din yung gusto ko makasama. Kung sakali man na magtatapat ka na bilisan mo para makarame tayo. Makarame ng pagmamahalan at paglalambingan, itong mga to talaga!  Oh tara mag ice cream na lang tayo ang init ng panahon. Manlibre ka naman!

Ikaw ba na nagbabasa neto natanong mo na ba yan? Mahal mo ba ako? Bakit nga ba kita mahal?

e

Please support us by liking and sharing:
error

Binibining `E

Binibining `E works for a BPO company by day and is a supersized, weird and peculiar super hero by night who loves the sea, the sand and the sun. She has been eating books for breakfast, lunch and dinner and even for desserts too. An amateur sketcher, can draw when bored. Can write at times and whenever she thinks she can. A certified bibliophile, expect lots of book reviews and adventures with this ugly writer. She is not an ordinary girl. She is peculiar indeed. Will prefer basketball over drama, books over telenovelas, a good book and a cup of coffee over tv.

5
Leave a Reply

Please Login to comment
4 Comment threads
1 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
5 Comment authors
Camelle Shayne B. BarnesGraezel adchakEdwin John HaoBinibining `EJM Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
JM
Guest
JM

“Kahit tumambling ako at mag Chinese get – up eh hindi ako makakapasok sa puso mo” pero dahil nga mahal kita hanggang ngayon umaasa ako na sana isang araw lalapit ka sakin at sasabihing “Mahal rin kita, matagal na” #SobrangSheketBes – Magos, Jasan Denise, CIV 151

Edwin John Hao
Guest
Edwin John Hao

Hao, Edwin John F. / Mar141 / Sociology MQ2 / I think the article shows ethnocentrism because the writer uses a local language.

Graezel adchak
Guest
Graezel adchak

Graezel adchak
Arc132
Art app

Camelle Shayne B. Barnes
Guest
Camelle Shayne B. Barnes

Barnes, Camelle Shayne B.
ARTAPP
ARC 133