Hiram

Ikaw ang syang nagaarin ng plumaheng nalalagas sa aking mga pak-pak sa tuwing lumalagapak galing sa matayog na paglipad.

Sa bawat araw na pahiram na mga ngiti at  humahal na sandali paglagos ng aking mga daulat ay gumagaan kapara ng isang lobong umaakyat sa bughaw na himpapawid

Ang iyong saysay sa mundong aking ginagalawan ay maipaparis sa isang lunas para sa pabalik balik na karamdaman. 

Nawa’y pagdating ng takipsilim ng ating pagsasamahan, aking dalangin sa iyong paglisan ay isang maluwag na paghimakas.

Eclipsis Lunae

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of