Volleyball

Lagi mo akong minamangha
Sa palo mong kamangha mangha
Sa puso mo ito iniaalay
Kaya pati mundo ko ay nagkakakulay

Bawat medalyang sinusuot sayo ako ay lubos na maligaya
Dahil sa parangal sayo na abot biyaya
Hindi ako makapaniwala na ikaw ay aabot
Sa sitwasyong hahantong sa lungkot

Gabi gabi mong sinasabi na okay ka lang
Pero alam ko naman na ikaw ay nawiwindang
Bawat mensahe mo ako ay naiiyak
Hanggang sa pagtulog ko ako ay naluluha

Nagbago ka na at hindi na tulad ng dati
Kaya sa bawat palo may halong pighati
Pighati na hindi mapalitan ng kasiyahan
Kaya sa bawat pagkakadapa ko ay hindi na ako makabangon ng maluwagan

Sana ang pagkakaibigan ay katulad ng volleyball
Hindi hinahayaang mahulog sa pagkatalo
Pero patuloy paring lumilipad at lumalaban
Sa labang hindi dapat sinusukuan

12 thoughts on “Volleyball

Leave a Reply

September 13, 2017

Latest

vincere Christos pherein
hour glass

vincere Christos pherein

December 2, 2025
Rain
u1111-rain

Rain

October 6, 2025
Kung Pwede Lang Sana
Asian female student studying alone

Kung Pwede Lang Sana

September 15, 2025
When Winter Ends
End of Winter

When Winter Ends

September 12, 2025