Isa, dalawa , tatlo
Halika at tayo’y magtago
Tagutaguan maliwanag ang buwan
Sabi ko diba magtago tayo ng panandalian
Pero bat nung hinanap kita wala ka na
Wala ka na at iniwan mo akong mag isa
Mag isang naghahanap kahit alam na wala ka

Wala sa pinagtataguan natin nung mga tayo’y naglalaro pa
Naglalaro? ayan nanaman tayo sa laro
Laro na naging dahilan ng iyong pagkawala
Mawala ng tuluyan sa aking paningin
Miss na miss na kita

Naaalala ko nanaman ang ala ala nating dalawa
Alaala na mananatili nalang na isang alaala
Pero kahit wala ka na mahal parin kita
Mahal na kaya kong gawin lahat para mahanap ka
Kahit na malapit na akong mawalan ng pag asa
Mawalan ng pag asa na makita ulit kita

Siguro nga nagsawa ka na
Okay lang ako hangga’t okay ka
Dito lang ako kahit ako lang mag isa
Hihintayin kong bumalik ka sa akin ,wag sa iba
Sunduin mo nalang ako
Sa taguan o tagpuan natin kapag babalik ka na ulit sa buhay ko