maybe

Siguro

Siguro pinagtapo tayo ng tadhana upang maranasan na may iba pa palang version ang pagmamahal. Yung pagmamahal na masaya, walang problema, mainit sa pakiramdam, lagi lang nakangiti kahit may kirot sa loob.

Siguro pinagkrus ang ating landas upang malaman natin na may halaga tayo sa mundo, hindi lang bilang kapareha ng ating kapareha, kundi sariling halaga bilang tao. Bilang tao na may mga pangarap, may mga pasakit sa puso na walang makakagamot.

Siguro, sa tamang panahon, magkakasama rin tayo. Siguro.

Siguro.