MINDANAO

Published by MINDANAO Group on

Unang Eksena: Malaking Pagpupulong ng mga matataas na opisyal sa Bayan ng Ardiente

-Pagtapos ng Pagpupulong

Dani : Lahat kayo dito ay inaanyayanan ko na dumalo sa isang malaking pagsasalo.

Emilio : Para saan ang malaking pag sasalo?

Imelda : Tiyak na maraming dadalo lalo na at si Dani ang nagunlak ng paanyaya.

Dani : Darating na ang aking anak na si Mateo galing sa Amerika.

Gobernador Julio : Hay naku! Mabuti kung marunong pa iyan magtagalog sa sobrang tagal niya sa Amerika.

Dani : Julio! Huwag mong maliitin ang aking anak! Basta lahat kayo ay kasali.

 

Ikalawang Eksena: Pagdiriwang sa Pagbabalik ni Mateo 

– Isang malaking salu-salo

Dani : Magandang gabi sa inyong lahat, ako’y taos pusong nagagalak sapagkat inyong pinaunlakan ang aking paanyaya. (Palakpakan)

Mateo : Maraming salamat aking Ama at sa muling pagtanggap ninyo sa akin.

Gobernador Julio : ( Pabulong ) Naku sa simula lang iyan ganyan pero paglipas ng ilang araw mataas na ang lipad niyan.

Imelda : Ang iyong kagwapuhan ay hindi pa rin kumukupas.

 

– Narinig ni Mateo ang sinabi ni Julio. Makalipas ang isang oras nag paalam si Mateo sa lahat na siya ay aalis na.

 

Mateo : Ako’y mauuna ng umalis sapagkat may kailangan pa akong asikasuhin at puntahan.

Emilio : Sige iho mag-ingat ka.

 

 

 

 

 

Ikatlong Eksena: Muling Pagkikita ni Mateo at Ana

 

Mateo : Mahal kong Ana!

Ana : Mahal kong Mateo ako’y labis na nagagalak na muli kitang makita. Kumusta ka na?

Mateo : Hindi ko masambit sa aking bibig kung gaano ako kasaya na bumalik at makita kang muli. Ayos lang ako Ana. 

Ana :  Mateo ako’y nasasabik na mayakap kang muli. (nagyakapan)

Mateo : Ilang Taon kong hinintay na mahagdan kita muli.

 

Ikaapat na Eksena:  “Pagguho ng Paaralan “

 

-Makalipas ang ilan buwan nagtayo ng paaralan si Dani at ang kanyang anak na si Mateo. Nagkaroon ng pagkikita ang lahat upang makita nila ang progreso ng paaralan.

 

Mateo : Mukhang hindi maayos at matibay ang pag kakagawa ng pader. ( Nag iisip )

Ana : Tama ka Mateo mukhang mabilis itong matitibag at guguho. 

(napalingon si Ana ) Mateo ako’y lalabas muna sandali upang kausapin ang aking kaibigan.

– At ilang saglit ay gumuho ang pader.

Dani : Anong nagyayari? Bakit gumuho ang pader? ( Nabigla at nagulat ).

Ana : Mateo! Mateo! nasaan ka? ( sapagkat sa pagkakalam niya na si Mateo lamang ang naiwan sa loob ).

Julio : Naku! baka natabunan si Mateo ng pader!

 

– Makalipas ang ilang minuto lumabas si Isko kasama si Mateo mula sa gumuhong pader.

 

 

Emilio : Tignan ninyo! Sino ang dalawang iyon?

Ekstra : Buhay si mateo!!!!! 

Ana : Salamat sa Diyos at ligtas ang aking mahal.

Dani : Maraming salamat sa iyo iho at niligtas mo ang aking anak. Ano ang iyong pangalan?

Isko : Walang anuman po. Isko ang aking pangalan.

Julio : ( nag tataka ) Hindi ko inaasahan na matapos ang pagguho ng pader ay mabubuhay parin si mateo. Sinong lapastangan ang nag ligtas sakaniya?

Mateo : (sinakal si Julio ) Kasalanan mo ang lahat ng ito! Ikaw ang dahilan kung bakit gumuho ang pader! 

Ana : Mateo huminahon ka! Ang mahalaga ay ligtas ka.

Mateo : Hindi ako natutuwa sa sinabi mo Gobernador!

Gobernador Julio: Ako’y nagbibiro lamang

Dani : Tumigil na kayo, iimbestigahan natin ang nangyari at alam kong walang may gusto sa nangyari at masakatan

– Dahil sa pangyayaring iyon nawalan ng tiwala at labis nanagalit si Julio kay Mateo.

 

Ikalimang Eksena: Ang Pagsabog ng Kuta ni Julio

 

Ekstra: Gobernador Julio! may naganap na pagsabog sa ating lugar.

Julio: Anung nagyari!? (nag isip ng malalim) Si Mateo lang ang may matinding galit sa akin.

Ekstra: Balik muna ako sa headquarters para malaman ang sariwang balita

-Dinakip si Mateo sa kanilang bahay

Pulis: Tao po! tao po!

Kasambahay: Sinung kailangan ninyo?

Mateo : (nakadungaw) Sige ako na ang makikipag usap sa kanila (lumapit sa may pinto)

Pulis: Inaanyayahan sapagkat may nagdadawit saiyo tungkol sa pagsabog sa kuta ng Gobernado

Mateo: (Nag isip ng malalim) sige sasama ako sa inyo para mapatunayan ko na wala akong sala.

 

-Nilitis ang Kaso ni Mateo

 

Mateo: Hindi ko alam kung anu ang nasa isipan ng Gobernado

Isko: talagang mainit ang ulo niya sayo

Abogado: napatunayan na wala kang kinalaman sa pagsabog at walang nakakapagturo sa iyo. pero hindi ka pa makakalabas dito sa kulungan

Mateo: salamat sa inyo, ngunit bakit hindi pa akong pinapalaya sa kulungan.

Isko: sinasadya ng Gobernado ang pagkakataon, narinig ko kanina na may isang anunsyo ang Gobernador

Mateo: Ako’y nababahala kailangan ko makita at makausap si Ana. Kailangan kong tumakas dito alam kong nagkakagulo na dito sa bayan natin

Isko: may naiisip ako paraan kung paano ka makakatakas

 

Ika anim na Eksena: Sa Malaking Salu-Salo sa bahay ng Gobernador 

Julio : Ipinapakilala ko sa inyong lahat si Agustin, ang binatang papakasalan ni Ana.

Agustin: Maraming Salamat Mayor Julio at sa maiinit na pagtanggap ng bayang Ardiente, lalo na sa pinaka magandang Babae na si Ana.

Ana : (Nagulat) Huwag na muna nating pag uasapan ang tungkol sa kasal, Pagtuunan muna natin ng pansin kung papaano mas uunlad ang bayan na ito. 

Julio : Maunlad na ang ating bayan ngunit noong nagbalik si Mateo sa bayan natin nagkagulo na ang lahat.

Ana : Gobernador, hindi mo masisi sa isang tao ang nangyayari sa bayan na ito, mas isipin natin ang solusyon sa kabila’t kanan na problema.

Imelda: Bagay na bagay kayo ni Agustin, Ana ako’y natutuwa at kinikilig sa inyong dalawa.

 

 

 

Ikapitong Eksena: Ang Malaking rebelasyon

 

Sa sobrang malalim ang iniisip ni lukas (may lihim na pagmamahal kay ana) may nakita si lukas na mga liham sa opisina na nagsasaad sa nakaraan nina

Gobernador julio at si Rosa (Nanay ni Ana). 

Rosa: Lukas anung bumabagabag sa iyong isipan

Lukas: May nalaman ako, ang totoong Ama ni Ana ay si Gobernador Julio

Rosa: Paano mo nalaman iyo? Hindi na dapat balikan ang nakaraan at dapat hindi malan ito lalo na kay ana

Ana : (Nakikinig sa usapan) (biglang lumabas) Hindi niyo na kailangan itago pa sa akin ang lahat narinig ko ang pinaguusapan niyo

Julio: anung kaguluhan dito?

Ana : Siya ba ang totoo kong ama! Kaya pala lahat ng gagawin ko kailangan may konsulta sa kanya

Rosa: Ana makinig ka muna, makinig ka muna sa paliwanag  ko

Ana : Dalawamput-limang taon niyo na ako niloloko, (biglang tumakbo palabas sa Mansyon)

 

Ikawalong Eksena: Ang Huling pagkikita ni Mateo at Ana

– Nagtungo sa puno ng nara si Ana sa tagpuan nila ni Mateo upang maibsan ang sakit na kanayang nararamdaman

ngunit sa hindi niya inaasahan naroon din si Mateo

 

Ana: Mateo!!

Mateo: Ana! kay tagal kitang hinintay dito

Ana : Saan ka nagpunta? And daming nangyari

Mateo: pinakulong ako ni Gobernador dahil ako ang tinuturong nagpasabog ng kanyang headquarters.

Ana : (biglang umiyak) Mateo! Si Gobernador ang aking tunay na ama, at magpapakasal ako kay Agustin

Mateo : Hindi ako makakapayag, tayo ang tunay na nagmamahalan.

Ana: Ngunit kailangan ko siyang pakasalan sapakat ang aking Ina ang maiipit sa sitwasyon

Mateo : Sumama ka na sa akin at magtanan na tayo.

Ana : Mahal kita Mateo, sobrang mahal na mahal kita ngunit hindi ko kakayanin na maipit at mapahamak ang aking Ina

Mateo: Huwag mong gawin sa akin ito Ana

Ana: Paalam na sa ngayon Mateo

 

Ikasiyam na Eksena: Ang Pagtakas ni Mateo

– Sa paglisan ni Ana, nakaramdam si Mateo na may tao sa paligid

Isko: Mateo! Mateo! may paparating na pulis, kailangan na nating lumisan dito bago ka pa ulit mahuli

Mateo: wala nang saysay kung mahuli man ako o makatakas dahil iniwan na ako ni Ana

Isko: Mateo kung hahayaan mo lang na mahuli ka, papaano na ang mga taong umaasa sayo, mga taong nasakatan ni Gobernador na nangangailanagn ng hustisya

Mateo: Hindi ko alam naguguluhan na ako

Isko: Paparating na sila (hila si mateo) dito tayo sa bangka

Mateo: saan tayo pupunta

Isko: Kung saan tayo dadalhin ng pag agos nito

 

-Sa pagtakas ni Mateo nagpaulan ng putok ng baril ang mga pulis, at sa pagkakataon nito ay natamaan si Isko ng bala

 

Mateo: Isko may tama ka ng bala

Isko: Ayos lang, basta alam kong ligtas ka 

(patuloy na nagpaulan ng baril)

Isko: Magtago ka lang dyan hayaan mo ang agos ang magdadala sa iyong patutunguhan

Mateo: anong gagawin mo?

Isko: Ako’y nagpapasalamat dahil naging kaibigan kita at Ituloy mo kung anung nais mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan

 

-Tinabunan ni Isko si Mateo ng mga tela at tumalon sa bangka upang iligaw ang mga pulis, pinaputukan siya ng mga pulis  hangang mahawi ang bakas ng pagkalangoy at mag kulay dugo ang tubig

 

Ikasampung Eksena: Ang Dalamhati ni Ana

Rosa: Ana! araw-araw ka nalang bang magmumukmok sa kwarto mo?

Ana: Ma! Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ito.

Rosa: Alam kong labis kang nangungulila kay Mateo pero maraming pwedeng manyari sa buhay mo.

Ana: Gusto ko munang mapag isa.

 

Life and Works of Rizal

FIN144

Mindanao Group
1. Absalon, Krizzia Sandhie
2. Aldon, Dharlene Shayne
3. Birung, Mary Michaella
4. Buitre, Hannah Grace
5. Gapas, Bianca Paula
6. Javillonar, Ryan James
7. Mendoza, Loius
8. Uy Erika
9. Villamor, Marie Charisse