Lihim na Pagtingin

Published by Allie on

Lihim na Pagtingin

Ni: Allie

Sa isang iglap ay biglang nabago,

Ang puso kong sabik sa iyo.

Hindi akalain na ito’y manunumbalik,

Sapagkat ito’y iyong pinagkait.

Noon pa man ay iniibig na kita,

Ngunit ayaw ko itong ipakita.

Ako’y kinakabahan at natatakot,

Pagkatao ko’y balot ng lungkot.

Sa pag-amin ko ng aking pagtingin,

Nitila di niya man lang ito napansin.

Sa bawat oras na lumilipas,

Pangalan niya ang aking binibigkas.

Ala-ala nang una naming pagkikita,

Ay biglang namutawi sa tuwi-tuwina.

Ako’y umaasa na sana’y maging tayo,

Pagkat itong pag-ibig ko’y laan para sayo.

Please support us by liking and sharing:

3
Leave a Reply

Please Login to comment
3 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
3 Comment authors
Eleonor Mhey CaridoEzra JoyNix Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Nix
Member

This must be what all those unrequited lovers feel like. #Hugot na hugot

Ezra Joy
Member

Just follow what your heart wants and never give up. Instead of regretting, start appreciating.

Eleonor Mhey Carido
Member
Eleonor Mhey Carido

Wag kang matakot sabihin ang nararamdaman ng puso mo, kinakabahan man pero dapat puso mo palaban. Powerrr