Paalam

 

Bagong araw, ngunit buwan ang bumungad

maliwanag ngunit malungkot,

panibagong simula ngunit ang inaasam ay wakas

ayoko na! pagod na ko!

Paulit-ulit na sigaw ng isip,

Isipan na nababalot ng maiitim na ulap,

ngunit patuloy ang pag laban,

para saan ba ang pag laban,

kung mismong laban na ang nagmamakaawang pagsuko?

babangon upang pumasok sa eskwela,

daladala ang tanong na “bakit pa ba ko nabubuhay?”

makukulay na bagay sa aking daan

ngunit bakit tila colorblind na itim lang ang nakikita,

Naglalakad sa kawalan- na ang tanging kahawak ay mala ugoy ng duyan na musika,

mga matang nakatingin na parang kutsilyo sa talim,

hindi alam anong mali ngunit inaasam na makibagay,

kapalit ang kaibigan na maaaring mapaghingahan,

ngunit isang hakbang palamang ay palayo na ng palayo

tila ba may sakit na malubha, bakit? Bakit?

uupo na lamang sa isang sulok na parang musmos

na walang muwang sa mundong ginagalawan,

makikinig sa leksyon,

ipapasok sa isang tenga at agad ding ilalabas sa kabila,

Matatapos ang araw ng walang bagong natututunan,

nakakahiya ngunit siyang tunay,

Hindi alam saan patungo ang landas,

Nawawalan ng pag-asang mabuhay,

Uuwi sa bahay at agad papanik sa silid,

Sa silid na isang kahong masikip at madilim

walang ibang ginagawa kundi patayin ang oras sa kakaisip sa tanong na

“ano pang saysay ng buhay?”

Tila ibon na nakagapos, gustong kumawala.. ngunit paano?

Paano kung ang lungkot ay tila anino

na nakakabit saan man mapunta,

Lahat ng tao’y may hangganan,

Sa aking balikat ay may pasan,

Problema ko’y kelan maiibsan?

Buhay ay nais ng wakasan,

Nais kong magsulat,

Ng habilin mula saking isipan,

patawad sa biglaang pagwasak,

kinabukasan ay nabalian na ng pakpak,

Sa kasulok-sulokan ng dilim nakaukit,

ang mga sikretong pasan,

parang mga aninong nasa harapan,

hindi ko mahanap, ang tamang daan.

Anuman dito ay wala nang halaga,

sapagkat hangganan ko’y andto na,

Pintuan ng katapusan nariyan na,

Hindi ko na mapipigilan pa.

Mga pagkakamaling hindi naitama,

Mga emosyong hindi naipadama,

Mga salitang hindi nabitawan,

Mananatili na lamang sa aking ala-ala.

Sa tingin ko’y kontrolado ko na,

Buhay maging kamatayan pa.

Patawad sa panahong nasayang na,

Eto ang nakikitang sagot,

sa mga tanong na namamalagi saking isipan.

Paalam, paalam, paalam na.

 

HRIZALW – MAR142

Balayan, Lyka Mae
Flores, Jan Carlyn
Jolo, Marie Grace
Juanico, Chiara
Valerio, Abraham
Tan, Prince