Saging Queen – Birit Queen

SAGING QUEEN- Birit Queen

Ni: Samuel M. Abaigar Jr.

 

“Bananaque, Kamoteque,Turon!”

Araw-araw ito ang aking sigaw. Simula alas 2 ng hapon, habang tirik pa ang araw ay nag sisimula na ako mag lako ng aking mga paninda. Hindi ko alam kung ano ang mararating ko sa pagtitinda nito. Madalas 150 lang ang aking kinikita pero ang alam ko, malaking pera na ito para makaraos sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ako nga pala si Malena, dalawampung taong gulang. “Saging Queen” kung tawagin sa amin, “Birit Queen” naman ang palayaw ng iba. Isa kasi sa pamamaraan ng pagtawag ko sa aking mga suki ay ang pagkanta. Naaaliw kasi sila madalas ‘pag naririnig nila akong kumakanta. Kapag sineswerte, dinadagdagan nila ang bayad nila kapalit ng aking pag-awit.

“Malena, kumain kana.Ipinagluto kita ng paboritomo’ng adobo.” – wika ng aking ina. “Adobo?!” Sambit ko. Tila nagulat na nasiyahan sa aking ekspresyon. Madalang kasi kami mag ulam ng masasarap na pagkain. Para sa amin, mahal na klase ng ulam ang adobo dahil madalas lamang na kinakain namin ay tuyo, sardinas at kamote. Marahil ito na rin ang dahilan kung bakit payat ang aking pangangatawan. Wala siguro ako na kukuhang sustansya sa aking kinakain, pagkatapos ay araw-araw ding pagod sa pagtitinda.

Samadaling sabi, dukha lamang kami. Lima kaming magkakapatid, ako ang panganay. Si nanay ay labandera, ang itay naman ay sumasideline sa pagkokonstraksyon worker. Ang nag-aaral lamang saamin ay ang pangatlo at pang-apat kong kapatid. Kaya naman araw-araw ako nag sisiskap upang umasenso ang aming buhay, kahit nasakatotohanan ay halos wala nama ng pag-asa ng ito’y mangyayari pa.

Subalit totoo nga na kung ikaw ay magpapaka baba, mas lalo kang tataas. Isang araw, habang ako ay nag lalako ng aking mga paninda, sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nadaanan akong patimpalak sa pag-awit. Lumapit ako at nagtanong tanong. Ito pala ay audition ng isa sa mga sikat na paligsahan sa pag-awit sa telebisyon. Kapalit ng aking kikitain, mas pinili ko ang pagsali sa patimpalak sa pag-asang ito ang mag aahon sa aming mahirap na pamumuhay. Hindi ako handa sa panahong iyon. Ang aking suot ay ang blusang dilaw nagaling pa kay inay. Naka tsinelas lamang ako, at walang piyesa na aawitin kundi ang madalas kong kantahin naisa sa mga awiting pinasikat ni Whitney Houston na aking unang napakinggan sa aming radio na ang nagpapa andar ay baterya. Pero ano ang aking pakialam kung ganito ang aking itsura kung alam ko na hanggang ganito lamang ang kayang ibigay sa aking ng aking mga magulang?

“Contestant no. 18, Malena Caranyagan.” Ako na! Pagkakataon kona. Ito na ang pagbabago sa aming buhay. Pagkakataon na ito upang buksan ang panibagong kabanata ng aking kwento. Mag lakbay sa rurok ng tagumpay.

“Pasok kasa elimination round …………. Malena!” Ito na ata ang pinakamasayang mga salita na narinig ko sa buhay ko. Dito magsisimula ang pagbabago sa buhay ko at sa pamilya ko. Maiaahon ko na mula sa hikahos na pamumuhay ang aking pamilya. Tila panaginip ngunit ako ay gising! Sana magtuloy-tuloy na. Ito na…. Ito na nga!

Hanggang sa umabot ako sa dulo ng kompetisyon at sa madaling sabi, ako ang nag wagi. Matapos nito ay nag simula na ang karera na aking pinangarap na matupad. Nilaban na ako sa ibang bansa kabilang ang mga sikat na mangaawit. Nakapagpatayo na ako ng sarili naming bahay at nakapagtapos ko sapag-aaral ang mga kapatid ko. Hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang aking paglipad sa tuktok ng tagumpay. Kung dati ay paulit ulit ang kinakain namin, ngayon binabahagi ko sa iba ang mga biyaya na binigay sa akin ng Diyos. Ang akala ko ay walang puwang para sa katulad kong dukha na maging mayaman at maging matagumpay. Subalit kung ang tao ay may tiyaga at patuloy na mangangarap, walang imposible. Lahat ay maaaring mangyari. At lagi kong sinasabi sa sarili kona ” Malena huwag kang titigil na abutin ang bituin gaano man ito kahirap sungkitin” Noon ang tinatawag nilasa akin ay ” Saging Queen” ngayon naman ay “Birit Queen.”