SINONG MAY SALA

Bakit sakin nakatingin mga matang mapanghusga Tampulan na ng lahat ng pangungutya Marahil ay kasalanan ko nga

SINONG MAY SALA?

sinong may sala sa kasalanang nagawa?

Ako ba o Ikaw, Sino sa ating dalawa?

Bakit sakin nakatingin mga matang mapanghusga

Tampulan na ng lahat ng pangungutya

Marahil ay kasalanan ko nga

kung sa aking pananamit ay natukso ka

Pakiwari ko ako ang sinisisi nila

malalim na ang gabi nasa kalye pa

kulang nalang pati mukha koy balutin

upang ang mundo’y maging malinis sayong patingin

maging ang kilos sinisigurong mahinhin

upang ang puri ay hindi madungisan din

Sinunod ko naman lahat ng tagubilin

Sumablay ba ako o may kulang pa rin?

maging panganib ba ako’y habulin

O kapalaran ay hindi lang ayon sa akin?

Akala ko noon ay kaibigan kita

kaya sayo’y sumama at ako’y nagtiwala

ang sabi mo lalabas lang tayong dalawa

ngunit ano ba itong iyong ginawa?

naaalala ko pa ang sinabi mo noon

magpadala nalang sa damdamin at emosyon

kahit anong paalala na wala tayong relasyon

edad ay hindi wasto sa ganitong koneksyon

tila piraso ng puting telang naputikan

nang iyong hubaran inosenteng kaisipan

para bang sa kinalalagyan ay nais kong mawala

nang ako’y iyong halikang bigla

ngunit kahit anong tangi ika’y mapilit

sa pakiusap ko ikaw ay hindi nakikinig

kinandado mo pa ang pintuan sa silid

marahil para hindi marinig ang aking tinig

Alam ko naman na sa akin ay walang makikinig

kahit sa simbahan dalhin patawarin ang hiling

ilapit man sa batas, magsing irog ang palalabasin

kaya ang lahat ng ito ay akin nalang kinimkim

Sino bang may sala sa sinapit sa dilim?

Bakit hindi parusahan tunay na salarin?

bakit ako na biktima ang syang ididiin

Hustisya, saan ko na ngayon hahanapin?

Default image
You know who I am

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of