Mga Batang 90s

Mga Batang 90’s

Dati rati ay napaka simple ng buhay, Ng mga kabataang walang iniisip na anumang bagay. Sila’y nagsisipag at nagtatagisan sa skwela, Magagalang at sumusunod sa magulang.

Mga Batang 90’s

 

Dati rati ay napaka simple ng buhay,

Ng mga kabataang walang iniisip na anumang bagay.

Sila’y nagsisipag at nagtatagisan sa skwela,

Magagalang at sumusunod sa magulang.

Tuwing umaga sila’y sabay sa pagpasok,

At paguwi sa hapon ay naghahanulan pa.

Sila ang mga bata na simple magsaya,

At ang mga laro nila’y simple at kakaiba.

Pag sumapit na ang sabado ng umaga,

Sa lansanga sila’y inyong makikita.

Pero bago yun ay tatapusin muna ang gawaing bahay,

Upang payagan maglaro sa labas ni Inay.

Takbo doon takbo dito, talon dito talon doon,

Larong luksong tinik at habulan,

Sino bang mga bata ang hindi matutuwa,

Masisigla sila at talagang sama sama.

Ngunit nasan na nga ba ang mga batang ito?

Tila naglaho na at di mo na mapansin.

Mga kabataan dating masigla at malakas,

Na sama sama at naglalaro sa labas.

Biglang kinain na ng masamang sistema,

Na dala ng panahon at bagong teknolohiya.

Ang mga dating masisipag at naging tamad,

Ang dating masigla at malakas ay naging payat.

Nanganganin na nga ba ang kalagayan nila ngayon?

Hindi na katulad nung unang panahon.

Na sa mga simpleng bagay sila’y masaya,

Pero sa ngayon mahilig sa gadyet at social media.

Kaya madami ng namomroblemang magulang,

Sapagkat ang kanilang anak ay di na maasahan.

Sa sistemang ito na nagbago sa mga kabataan,

Ang mga dating bata pa kaya’y masilayan.

E4C59F54-CD17-4049-A369-E2FAC153BDC7

Jonjie Villegas

Subscribe to The Ugly Writers

Signup today for free and be the first to get notified on new updates.

1
Leave a Reply

Please Login to comment
1 Comment threads
0 Thread replies
0 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
1 Comment authors
Roemar Recent comment authors
  Subscribe  
newest oldest most voted
Notify of
Roemar
Member

Sobrang nakakamiss yung mga momments na ganun lalo na yung time na madami kang teks tapos ipapapaagaw mo yun na parang pera sa mga kalaro mong bata hahaha. Feeling billionaire lang na nagtatapon lang ng pera.