Sigaw ng Kalikasan The Ugly Writers

Sigaw ng kalikasan

Maituturing nga naman talagang madaming likas na yaman dito sa Pilipinas, kaya di na tayo mag tataka kung bakit talamak ang mga foreigners o turista na dinadayo talaga ang Pilipinas numero uno na dito ang Boracay at Palawan. Na talaga namang kawili wili ang ganda at tiyak na babalik balikan mo.

Pero sa pag usbong ng kasikatan ng mga lugar na ito. at ng iba pang magagandang tanawin dito sa Pilipinas minsan ba naisip natin kong anong kahihinatnan ng lahat ng ito? ang pagiging overcrowded ng mga lugar na ito, sa tingin nyo na ba nakakabuti? Oo nakakabuti ito sa mga mamamayan na nakikinabang sa pag usbong ng turista nito. Kumikita sila ng malaki pero aking na obserbahan pawang pang sariling interes lang natin ang ating naiisip.

Sa mga negosyante bago po sana kayo mag hukay sa mga dagat. bawasan ang mga bundok pasabugin ang mga bato upang gawing kalsada sana maisip nyo muna na ilang libong isda at ibon ang nawawalan ng tirahan dahil sa sarili nyong kapakanan na kumita.

Sa mga nag bebenta ng buong bundok o dagat upang gawing beach resort. Unang una sa lahat maitanong ko lang, pag aari nyo po ba yan? para ibenta nyo lang ng ganun na lang para sa sarili nyo ring kapakanan. Tandaan nyo nalang po na wala tayong pag aari dito sa mundong ito ang lahat ng ito ay sa Diyos lamang. nakikigamit lang tayo,

At sa mga pumapasyal dyan, sana naman pag dumadayo tayo, wag nyo sanang gawing basura ang dagat maraming mga endangered species na baka pag nakakain ng kemikal na tinapon mo ay mamatay. Nakinabang ka na ng nakpag selfie ng maganda at naipromote ang lugar sa mga ka Fb friends mo at pag nag viral dudumihan na naman.

Para sa lahat, Sana naman maisip natin na ang bawat buhay sa mundo ay mahalaga. bawat hayop ay may pamilya din. na nalulungkot pag nawawala sila bawat isa ay madamdamin din. kayong tao na walang habas na sumisira sa kalikasan dahil sa sarili nyong kapanakan oo para sa pamilya nyo pero di nyo ba naisip na anong hangin nalang ang lalanghapin ng mga apo o anak nyo, anong dagat o ilog nalang ang kanilang lalanguyan, darating ang isang araw na ang lahat ng ginagawa natin sa kalikasan ay may parusa. darating din ang isang araw na wala na tayong sariwang hangin na malalanghap at malinis na dagat na lalanguyan. BALANG ARAW.

Spread the love
  • 43
  • 35
  •  
  •  
  •  
  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
    79
    Shares
  •  
    79
    Shares
  • 43
  • 35
  •  
  •  
  •  
  • 1
  •  
  •  
  •  
  •