Fake News

Fake News

Isinusulong ang adbokasiyang ito na paigtingin ng batas sa pagpapalabas ng mga balita hindi lamang sa telebisyon kundi pati na rin sa social media. Layon din ng adbokasiyang ito ang pagiwas sa mga maling impormasyon na pwede ikapahamak ng taong…

Itigil ang pagkalat ng mga maling balita o “fake news”

Ang adbokasiyang ito ay patungkol sa mga kumakalat na maling balita hindi lamang sa mga pulitikal na isyu pati na rin sa ating lipunan na pinagmumulan ng pagkakaiba-iba ng pananaw ng ating mga mamamayan.

Isinusulong ang adbokasiyang ito na paigtingin ng batas sa pagpapalabas ng mga balita hindi lamang sa telebisyon kundi pati na rin sa social media. Layon din ng adbokasiyang ito ang pagiwas sa mga maling impormasyon na pwede ikapahamak ng taong makakabasa nito o pwedeng malagay sa panganib ang taong laman ng mga kumakalat na maling balita.

Nararapat lamang na siguraduhin muna na totoo ang bawat nasasagap na balita bago pa ito makarating sa nakakarami upang maiwasan ang mga pagtatalo na kalaunan ay nauuwi na sa di magandang usapan. Kadalasang pinagmumulan ng mga maling balita na ito ay ang mga post na nakikita lang sa mga social media accounts na pawang gawa lamang ng mga tao upang makakuha ng atensyon. Ngunit, kung sa bawat balita na ating maririnig o masasagap ay may kaakibat na ebidensya na makakapagpatunay na ang balita na iyon ay totoo, maaring maiwasan kaagad ang pagkalat ng mga maling balita. Dapat ay magkaroon muna ng matinding pananaliksik bago ilabas sa publiko ang mga balita para maiwasan ang mga samut saring opinyon ng mga tao na maaaring makapagpala ng nasabing problema o issue.  Sa ganitong paraan maaring mabago ang mga maling pananaw ng iba kung lahat ng impormasyon at katanungan nila ay mabibigyan ng tama at totoong kasagutan. Mas mabibigyang linaw ang kaisipan ng mga tao kung sisimulan natin na itigil na ang pagkalat ng mga maling balita at matuto tayong kumalap ng mga totoong impormasyon upang di na tayo basta basta maniniwala sa bawat balita na ating masasagap.

Default image
Hannah Grace Buitre