Pamilya

Taong 2013 nang umuwi sa amin si papa para humingi ng tawad sa kanyang nagawa, lalong lalo na sa akin, dahil alam nyang sobra akong nasaktan sa ginawa nya, subalit nag matigas ako, hindi ko sya pinatawad

Pamilya

Sa isang pamilya ay hindi nawawalan ng kahit isang problema, o pag subok man sa buhay, dahil lahat ng iyon ay alam nating kaya nating malag pasan, gaano man kahirap ay makakabangon at makakabangon padin tayo.

Ako si Michelle, at ito ang kwento ng pamilya namin, anim kaming mag ka kapatid at ako ang panganay sa amin, lumaki kami sa malaking pamilya, at sa piling ng aming lolo at lola namin, malaking pamilya dahil sa madami akong kapatid, si lolo at lola ang palaging nasa tabi namin dahil kailangan ng mga magulang naming mag trabaho, para sa kinabukasan namin, mahirap man para sa amin ngunit kaylangan tiisin, ang lungkot at pangungulila sa kanila, pero kahit di namin kasama sila mama sa loob ng bahay ay naturuoan naman kami ng mabuti nila lola, sila ang nag turo samin kong pano maging responsableng anak, at may maayos na pakikitungo sa kapwa, kahit na sa dinami daming problemang dumating sa amin ay hindi kami sumusuko sa problemang iyon. Katulad ng isang problemang bumago sa aking pananaw, isang problemang diko lubos maisip kong bakit iyon nangyari.

Taong 2010 ng unang taon ko pa lamang sa high school, ay hindi ko pa gaanong maintindihan ang mga bagay na iyon dahil sa murang edad ko noon, problemang ayaw kong paniwalaan dahil sa isip ko noon ay hindi totoo, at hindi kayang gawin iyon sa amin ng aming ama, ngunit makalipas ang pitong buwan, ay doon kona nalaman ang totoo. Yung totoong ayaw ko paring paniwalaan dahil sa hindi ko naman nakita nang personal at ang akala ko sa isip ko ay sinisiraan nila si papa, pero mali pala ako, humantong din sa punto na nagawa kong magalit sa taong nag palaki sa amin mula pag kabata, dahil sa sabing may babae raw si papa at niloloko daw kami, nagawa kong magalit sa lola ko dahil ayaw kong maniwala sa kanya, pero diko na esip na ako pala ang mali at hindi si lola.

Taong 2012 ay umuwi si mama ng di namin inaasahan, at duon nya kwenento sa amin kong ano ang ginawa ng aming ama. Di ako maka paniwala sa nagawa sa amin ng aming ama, na syang idolo ko mula ng ako ay maliit pa. Pero simula nuon, nagbago ang pananaw ko sa kanya, yong pag mamahal ko sa kanya ay napalitan ng sama ng loob dahil sa kanyang ginawa. Simula noon ay sinabi ko sa sarili ko na wala na akong ama, aubra kaming nasaktan sa ginawa nya, yong pamilyang masaya namin noon ay minsan nang nasira dahil sa problemang iyon, at muntikan na din akong hindi makapag tapos ng high school dahil sa hindi ko padin lubos maisip kong bakit yon ginawa samin ni papa, pero dahil sa tulong ng aking pamilya ay muli kong napag tanto na hindi pa doon nag tatapos ang aming buhay. Taong 2013 nang umuwi sa amin si papa para humingi ng tawad sa kanyang nagawa, lalong lalo na sa akin, dahil alam nyang sobra akong nasaktan sa ginawa nya, subalit nag matigas ako, hindi ko sya agad pinatawad, at dumating din sa punto na nasabi ko sa kanya ang salitang wala na akong ama, at isa na lamang syang patay para sa amin, pero habang sina sabi ko iyon sa kanya ay hindi din tumitigil sa pag buhos ng luha ko sa akong mga mata, at nakita ko rin sa mga mata ni papa ang luhang bumuhos sa mga mata nya dahil sa nasabing masakit na salita, alam ko nasaktan ko sya ng labis ng labis at napag isip isip ko na dapat hindi ko iyon nasabi sa kanya, dahil sa kabila ng lahat ay ama parin namin sya,

Makalipas ang ilang buwan ay dun ko sya nagawang patawarin, at simula noon ay na ngako naman sya na hindi nya na iyon uulitin, at iyon namang kanyang ginawa, at simula noon ay unti unti na naming nakakalimutan lahat ng nangyaring problema sa buhay namin, at unti unti na ding bumalik sa dati ang masaya naming pamilya kahit na minsay kapos kami sa pera, subalit dahil sa aming pag tutulongan ay nalalampasan din namin lahat nang iyon, at muli kong matatawag ulit na kamiy may isang masayang pamilya sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumating sa amin, at ito ang kwento ng aking pamilya.

Default image
Michelle baroma
Articles: 1

Leave a Reply