Kung Pwedeng Makapagsalita Ang Aking Mga Luha

Sa bawat patak na luhang dumadaloy
sa mga mata

ay parang mga katagang di ko nasabi minsan,

mga katanungang di masagot ng aking isipan,

“Bakit di mo kayang mahalin ang isang katulad ko?”

“Bakit hanggang magkaibigan lang talaga tayo?”

Ang mga bakit na nakaukit sa luhang gabi-gabi —pati sa panaginip —dinadalaw ako.

Mga luhang, kung pwede, sumigaw ng saklolo.

“Tulungan mo akong makalimot sa sakit at pait.”

Pero hanggang katahimikan lang ang kaya ng aking mga luha.

Sa katahimikan kung saan humahagulgol ang puso kong nagdurugo.

Ang luhang nakakapagsalita ng aking pagmamahal.

“Sinubukan kong kalimutan ka, pero tawagin mo na lang akong tanga…mahal pa din kita.”

One thought on “Kung Pwedeng Makapagsalita Ang Aking Mga Luha

Leave a Reply

Latest

vincere Christos pherein
hour glass

vincere Christos pherein

December 2, 2025
Rain
u1111-rain

Rain

October 6, 2025
Kung Pwede Lang Sana
Asian female student studying alone

Kung Pwede Lang Sana

September 15, 2025
When Winter Ends
End of Winter

When Winter Ends

September 12, 2025