sana'y walang iwanan

Sana’y Walang Iwanan

Sa iyo humuhugot ng lakas

Sa boses mo nararamdaman ang saya

Sa mga tingin mo natutunaw

Sa yakap mo nabubuo ang araw

Sa amoy mo napapawi ang lungkot

Sa halik mo nauubos ang pangamba

Hindi alam kung ano’ng hatid ng tadhana

Ang mahalaga, mahal mo ‘ko, mahal kita

Hindi alintana ang kinabukasan

Hanggat iyong binibigkas

Na hindi mo ako bibitawan

Mahal, salamat sa oras

Sa bawat segundo na kasama ka

Mundo ko’y tumitigil

Buhay ko’y sumasaya

Sana’y wala nang katapusan

Sana’y walang iwanan.

Spread the love
  • 193
  • 67
  •  
  • 2
  • 6
  • 3
  •  
  •  
  •  
  •  
    271
    Shares
  •  
    271
    Shares
  • 193
  • 67
  •  
  • 2
  • 6
  • 3
  •  
  •  
  •  
  •