WAG AKO, IBA NALANG

Sabi nila masarap magmahal Pero mas masarap magmahal kapag ikaw lang Kung makikipaglaro ka , wag ako , Iba nalang

WAG AKO, IBA NALANG

Ni: Samuel M. Abaigar Jr.

mask

Sabi nila masarap magmahal

Pero mas masarap magmahal kapag ikaw lang

Kung makikipaglaro ka , wag ako , Iba nalang

Hindi pa man mo nasasabi

Pero damang-dama ko na

Wala pa man sa iyong labi

Pero isinasampal mo na

Ang matatalas na salita ng mga hindi mo pagkibo

Sa tuwing tinatanong ko sayo “Kailan ba ako hihinto?”

Pagod nang maglakbay ang aking mga luha

Mula sa aking mata hanggang sa tinatapakan

Kong lupa

Pagod ng humakbang ang aking mga paa

Papalayo sa sarili ko, papalapit sa mga pinipilit mo

Lumaya ka sa akin, para ikulong ako sayo

Sige lang kakayanin, ngayon lang naman ito

Kaya sa susunod na lolokohin mo ako

WAG AKO , IBA NALANG

Default image
Sam
Articles: 2

Leave a Reply