Alas Kuwatro

Alas Kwatro

At muli kong hinithit ang aking sigarilyo
Muli, ikaw ay sumagi sa aking sentido

Para kang isang obligasyon
Isang tinatangging riyalisasyon

Alas kuwarto na ngunit di pa rin tulog
Sa aking isip, ika’y laging nahuhubog

Ikaw ay tila isang matinding aparisyon.
Di ko alintana kung tunay o imahinasyon.

Pilit kong itutulog damdaming hapit
Di na kita iisipin lagi kong sinasambit.

Sa susunod na muling pagkikita sa panaginip
Nawa’y pawiin mo na ang aking pagkainip.

Spread the love
  • 190
  • 32
  •  
  • 2
  • 7
  • 5
  •  
  •  
  •  
  •  
    236
    Shares
  •  
    236
    Shares
  • 190
  • 32
  •  
  • 2
  • 7
  • 5
  •  
  •  
  •  
  •