Para Sa Lahat Ng Kinalimutan

Published by johnkrux on

the ugly writers

Makalilimutin ka.

Hindi mo naaalala ang mga bagay o pangyayari na kung titingnan natin ay mahalaga— sa akin at sa iyo.

Katulad kung anong araw at buwan tayo unang nagkita at nagkakilala. Kung anong taon mo ako huling sinurpresa sa kaarawan ko, saang lugar at sa kung panong paraan. ‘Yong araw na unang beses kitang hinalikan. O no’ng niyakap mo ako at umiyak ka nang umiyak dahil napapagod ka na sa buhay at ikaw ay masasaktan.

Makalilimutin ka.

Nakalilimutan mo ang oras ng ating usapan o ‘yong paborito kong pagkain. Nawawaglit sa’yo na ipaalalang nasa bahay ka na o kaya nama’y ipaalalang nakauwi ka ng ligtas noong napagdesisyunan nating magkita. Minsan hindi mo nasasabi kung nagustuhan mo ba ‘yong luto kong adobo na paborito mo, basta ang alam ko masaya ang iyong puso kapag natitikman ‘to.

Makalilimutin ka.

Nakalilimutan mo na akong yakapin sa tuwing ikaw ay nilalamig o kaya ako’y halikan sa tuwing ikaw ay naghahanap ng kanlungan. Hindi mo na naaalalang hawakan ang aking kamay kahit alam mong takot akong mabitawan. Malamig na ang iyong mga mata sa tuwing titingnan at lilingunin mo ako. Malayo ka na at hindi na kita makilala.

Makalilimutin ka. Kaya naman ako lagi ang umaalala. Kaya lang sa hindi ko malamang dahilan, mukhang kinalilimutan mo na talaga ang mga bagay kung saan ako masaya.

Kinalimutan mo na akong mahalin pa kahit pilit kong ipinapaalalang mahal na mahal kita.

Missing out for almost a year, John Krux is back to win everyone’s affection. Check him out here or click any of the images below.

the ugly writers ulan the ugly writers the ugly writers

Please support us by liking and sharing:
error1213

johnkrux

John Krux bleeds poetry. He eats words for breakfast

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of