Sigarilyo

Published by Slade Joseph Torreja on

the ugly writers

Sigarilyo

Ito ang natanging bagay na naaalala ko sa ating matamis na pag iibigan.
Dito tayo unang nagkasundo at noong nagkakilala tayo, sabay tayong bumalik at nahibang.
Ang puso ko noon ay tila sigarilyo na walang sindi, walang bumibili, at walang umiintindi.
Ngunit, dumating na ang araw na pinakahihintay ko, Naisipan mo na ding bumili, at sinindihan mo ako.
Nag alab ang aking puso at sa bawat hipak mo, kasiyahan ang dulot sakin nito.
Naranasan kong kahit papaano, may silbi pa pala ako sa mundo.

Parang sigarilyo, patuloy tayong nag aalab.
Sobrang saya natin habang sabay nating inaabot ating mga pangarap.
Ngunit sa kabila ng lahat ng saya, di natin namalayan na ang baga natin, ay unti unting bumibigay na.
Ang dating isang buong stick, ngayon ay paubos na.
Kagaya ng iba, itatapon mo nalang ba ako na parang sigarilyo kapag wala na?

Upos. Ako’y nagmistulang upos na lamang na pinipitik hanggang sa hanginin palayo.
Nakakalungkot isipin na sa ating pagmamahalan, ito na ang huling yugto.
Pero mahal ko, salamat dahil sinindihan mo ako. Binigyan mo ng init ang aking nilalamig na puso.

Please support us by liking and sharing:
error

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of