Salamat

Published by Yanong Makata on

the ugly writers

Umiiyak na ang dingding
Sa kakasuntok ko sa kanya
Mga braso ay kulay rosas
Gawa nang di magkakasinghaba na laslas
Mga salita ay napabayaan
Tumigil sa pagsusulat
Nagapi ako nang mga boses
Na nanirahan sa aking utak

Palagi silang nariyan
Minsan nagbubulungan
Madalas nagsisigawan
Tinutulak akong pagdiskitahan ang dingding
Pinipilit akong gamitin ang matalas na patalim
Nakakapagod
Parang naiisip ko nang sumuko

Dumating ka
Sinalubong ako ng ngiti
Umupo sa tabi ko
Nakinig sa mga boses
Na kinakalampag ang utak ko
Hinawakan ang aking mga kamay

Ayaw pa rin mawala ng mga boses
Minsan nagbubulungan
Madalas nagsisigawan
Pero di ko na sila gaano naririnig
Lalo na pag nariyan ka

Salamat

Read previous entries for Grateful: Something to be thankful for only here at The Ugly Writers:

the ugly writers the ugly writers the ugly writers

Please support us by liking and sharing:
error1213

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of