Salamat sa Paglisan

Published by Yanong Makata on

the ugly writers

Moo, salamat sa paglisan.

Naaalala mo pa ba noong magdadalawang buwan pa lamang tayo? Napanood mo sa telebisyon na ikakasal si Aiza Seguerra. Binuksan mo agad ang laptop mo. Nag-search sa internet nang mga lugar kung saan pwede din tayong ikasal. Naaalala mo pa ba ang pangalan ng ating magiging anak?

Marami pang alaala pero alam kong limot mo na. Pero okay lang. Salamat sa paglimot. Dahil sa paglimot mo ay naalala ko kung sino ako. Dahil sa pagkawala mo ay natagpuan ko ang sarili ko. Yung ako na hindi nagtatago sa likod ng pulang lipstick, pink na blusa, at sa titulong “best friend” mo.

Salamat at iniwan mo ako makalipas ng tatlong taon. Nung nawala ka, aaminin ko, akala ko ay nawala narin ako. Hindi ko alam kung sa’n ako patungo. Tumigil ako sa pagsusulat. Tumigil ako sa pagbabasa. Hindi ko makayanang makinig nang kahit na anong musika. Baka kasi mabuo ng mga letra sa libro ang pangalan mo. O di kaya’y isulat ng mga kamay ko ang pag-ibig ko para sa’yo. O baka naman biglang ikuwento ng kanta ang love story natin na tayo lang ang may alam. Pero hindi pala ako nawala. Bagkus ay natagpuan ko ang aking sarili. Natagpuan ko kung sino ako talaga.

Salamat sa pagpako sa lahat ng pangako. Salamat sa paglisan mo. Salamat kasi, mahal, natuto akong mahalin ang sarili ko. Salamat kasi hindi na ako nagtatago sa likod ng mga katagang “best friend” mo.

Nagmamahal,

Dati mong Moo

Kung nagustuhan mo itong gawa ni Yanong Makata, basahin ang iba pa nyang gawa dito sa The Ugly Writers:

the ugly writers


Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of