the ugly writers

Ganon lang siguro

Bakit nga ba dapat kang magpaaalam? O dapat ba kitang pigilan? O dapat bang ako ang magpaalam? Hindi bat masaya ka?

Ganon lang siguro

Bakit nga ba?
Dati naman masaya tayo. Dati naman walang ikaw o ako kundi laging tayo lang. Bakit isang araw biglang ang kalsada ay naging para na lang sa iisang tao? Di ba dati sabay tayo? Dahil ba ang mundo natin na ginawa ay hindi na masaya??
Bakit?

Dahil nga siguro ang “ikaw” ng buhay mo ay di na ako, kahit pa ikaw ang “ikaw” ng buhay ko. Baka nga hindi ako ang tala ng iyong mga gabi kahit ikaw ang araw ng aking mga umaga. Baka hindi ako ang tamang tamis ng iyong kape, kahit ikaw ang tamang init ng aking tubig. Ikaw ang aking ulan. Iba ang iyong araw.

Patawad?

Ano ba ang dapat patawarin? Sino ba dapat ang magpatawad o ang humingi ng tawad? Ako ba? Oo, baka ako nga. Patawad dahil naging makasarili ako. Dahil ginusto kong maging tayo. Dahil nagmahal ako higit pa sa dapat. Dahil naghintay ako ng walang pag aalinlangan. Dahil naniwala akong ang bahaghari ay nakikita kahit hindi umulan.

Paalam…

Bakit nga ba dapat kang magpaaalam? O dapat ba kitang pigilan? O dapat bang ako ang magpaalam? Hindi bat masaya ka? At wala akong hinangad kundi maging masaya ka. Pero bakit ngayon ang kaligayahan mo ay kalungkutan ko na? Dapat pa rin ba akong maging masaya?

Bakit nga ba? Bakit? Dahil siguro ang nakalaan sa atin ay hindi ang isat isa. Ganon kasimple..Ganon lang kasimple..

If you liked reading Ganon lang siguro, please support Sharri Shen by reading her previous work here at The Ugly Writers:

the ugly writers the ugly writers the ugly writers

Default image
Sharri Shen
Old school.

Subscribe to The Ugly Writers

Signup today for free and be the first to get notified on new updates.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of