the ugly writers

Kakayanin ko

Natatakot akong mawalan na ng tuluyan ang kumpyensa ko sa sarili na nakakayanin ko. Natatakot ako sa lahat ng disappoinment na matatamo ko mula sa tao nag titiwala na kaya ko. Natatakot ako magsimula ng panibago kasi nasanay na ako.

Kakayanin ko

 

Gusto kong mag stay pero gusto ko ding maging malaya at piliit kong saan ba talaga ako nararapat.

Gusto kong mag stay kasi unti unti ko naman siyang nakilala kaso dito nga ba ako nararapat?

Gusto ko mag stay kasi nakasanayan ko na kaso parang unti unti din siyang bumibigat na halos bibigay na ako sa pagkakahawak.

Gusto ko mag stay kasi ayaw kung mabago lahat.

Nasanay ako sa mga taong nakakasama ko sa araw araw na kahit alam kong pangsamantala lamang.

Nasanay ako kong paano kami mag reklamo kong gagano kami nahihirapan sa pang araw araw.

Nasanay ako kong paano namin tawanan at iyakan ang isang problemang hindi namin maintindihan.

Nasanay ako kaso alam kong kapag hindi ko masabayan ang takbo ng pag aaral na ito malalayo din ako.

Natatakot akong mawala ang mga taong nakilala ko at nakasama ko ng dahil sa kursong kinuha ko.

Natatakot akong mawalan na ng tuluyan ang kumpyensa ko sa sarili na nakakayanin ko.

Natatakot ako sa lahat ng disappoinment na matatamo ko mula sa tao nag titiwala na kaya ko.

Natatakot ako magsimula ng panibago kasi nasanay na ako.

Pipilitin at gagawin ko ang makakaya ko. Kahit sa loob loob ay puno lang ako ng hinayang sa sahat ng bagay na nagawa ko.

Pipilitin at lalaban hindi susuko dahil minsan pinangarap ko din na magiging CPA ako.

Hiling ko lang na sana worth it hanggang dulo.

Kahit iniiyakan ko gabi gabi dahil isip koy dulong gulo.

Nag lalaban ang puso’t isip ko kung kaya ko ba ito.

Mapapagod pero hindi sususko.

 

Please support Fatima Mae Mendoza and read her previous entries here in The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Fatima Mae Mendoza

Subscribe to The Ugly Writers

Signup today for free and be the first to get notified on new updates.

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of