the ugly writers

Hanggang dito na lang

Pero sige lang ganoon talaga May makikilala pero iiwan ka Papangakuan ka pero sasaktan ka Papasayahin ka at iiwan ka bigla

Hanggang dito na lang

 

Nagsimula sa kwentuhan
Nauwi sa hangaan
Nagkakilala ng lubusan
At nagkaroon ng tawagan

Sarap balikan ng mga alaalang ikaw ang kasama
Yung tipong kampati tayong dalawa
Yung masaya lang at walang pinoproblema
Pero hanggang alaala na lang pala

Natatandaan mo pa kaya?
Mga plano nating dalawa?
Yung ikaw at ako
Hanggang sa dulo.

Kay sakit maalala na ikaw hindi na akin
Yung tipong ako nalang ang dumadalangin
Na sana manatili ka
At ipadama na tayo pa kahit ang totoo ay hindi na

Bakit pa nga ba nakilala kung kakalimutan din naman
Yung papangakuan pero di naman
paninindigan
O diba parang tanga?
Yung asang asa ka na siya na talaga.

Pero sige lang ganoon talaga
May makikilala pero iiwan ka
Papangakuan ka pero sasaktan ka
Papasayahin ka at iiwan ka bigla

Paano bayan
Eh ayaw na talaga kahit ipilit ko pa
Palalayain nalng kahit ayaw ko pa
Alam ko naman na ang lovestory nating dalawa ay hindi pang hangganan kundi
Hanggang dito nalang
Yung tipong magtatapos sa mahal
paalam.

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Hanggang Dito Na Lang, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Joanna Marie Batersal

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of