Tunay na Diwa ng Pasko

 

Sa gabi ng kapaskuhan,
Nakahain sa inyong kapagkainan.
Masasarap na pagakaing pagsasaluhan,
Palitan ng regalo’y kinasasabikan.

Sa tuwing pasko’y darating,
Simoy ng hangin ka’y sarap damahin.
Mga bata ay masayang nangangaroling,
Makukulay na parol ang tumatawag ng iyong pansin.

Ang lahat ay abala sa paghahanda,
Sa araw kong saan ay ginugunita.
Ang araw kong kailan isinilang ang mesiah
Ang pagsilang na nag papaalala ng isang simula.

Ngunit sa darating na pasko’y hindi lahat ay nagdiriwang,
Sapagkat marami sa atin ang tirahan ay lansangan,
Sa napakaraming kalamidad at sakuna
Ang iba’y hindi pa nakakabangon sa pagkakadapa,

Mapalad ang mga taong masayang magdiriwang ng kapaskuhan,
Ngunit mas mapalad ang taong kayang magbahagi at handang tumulong,
para sa tunay na diwa ng pagmamahalan.

 

inbound5906625429690329517

 

Kung nagustuhan nyo ang likha ni Sheng Milante Castrona na Tunay na Diwa ng Pasko, bisitahin ang kanyang Facebook Page na Pink Diary o manatili dito at basahin ang iba pang gawa niya sa The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers