the ugly writers

Paalam (dyan ka na sa madali)

Please lang, wag mo na akong balikan... Kasi marupok lang ako pagdating sayo... Basta ikaw walang matatag na ako... Sunod agad amu-amuin lang na parang aso...

Paalam (dyan ka na sa madali)

 

Minsan lumulubog, minsan lumilitaw…
Minsan malapot, minsan malabnaw…
Minsan masahog, minsan masabaw…
Minsan ako, minsan ikaw…
Madali lang naman sana ang lahat…
Kung lahat sayo naging sapat…
Kung hindi ka sana naghanap…
Wala sanang iwanang naganap…
Kapag nagcommit ka sa isang relasyon,
Nagsisimula rin ang isang obligasyon…
Manatili kang tapat anumang panahon,
Manatiling totoo sa lahat ng pagkakataon…
Hindi biro lang ang mga sumpa…
Katumbas nito ay mga panata…
Antagal mo kong pinaniwala…
Tapos bigla ka lang mawawala?
Sabihin mo sakin kung ano bang kulang?
Dahil ba nandito ako at wala ako dyan?
Kung Nalulungkot ka bakit hindi maglibang?
Solusyon ba talagang ako ay palitan?
Hindi alam kung anong pinanghuhugutan…
Hangad ko lang ay iyong kaligayahan…
Pero pag ikaw ay kanyang iniwanan…
Please lang, wag mo na akong balikan…
Kasi marupok lang ako pagdating sayo…
Basta ikaw walang matatag na ako…
Sunod agad amu-amuin lang na parang aso…
Kahit ayoko na, nakakabobo…
Bakit ba ganun, anong ginawa kong mali…
Bakit sya ang iyong pinili?
Sana wala kang pasisihan sa huli…
Paalam, dyan ka na sa mas madali…

 

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Paalam, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Dhudz Delfin

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of