the ugly writers

3:56 AM

Gusto ko ng magpahinga. Nais ko ng ipikit ang aking mga mata. Ngunit bakit sa bawat pagpikit ng mata Ikaw parin ang nakikita.

3:56AM is a short poem written and shared by Merry Princess Joe for The Ugly Writers under the theme STUCK for the month of February.

 

3:56AM

 

 

Mag aalas kwatro na naman ng umaga.

Gusto ko ng magpahinga.
Nais ko ng ipikit ang aking mga mata.
Ngunit bakit sa bawat pagpikit ng mata
Ikaw parin ang nakikita.

Mga alala na gusto ko ng mabura.
Mga bagay na di ko na nais pang maalala pa.
Pero bakit patuloy na nababalikan pa.
Nais ko ng kalimutan ka.
Hindi ko na nais lumuha pa.

Pero sadya yatang puso’y hinahanap ka.
Ngunit mali! Maling mali!
Dahil naisin ko mang yakapin ka.
Naisin ko mang tawagan ka.
Naisin ko mang bumalik ka.
Hindi na maaari pa.
Kaya ang tanging magagawa ko nalamang
ay piliting ipikit ang aking mga mata.
Dahil alam kong kahit mahal pa kita,
Kahit paulit ulit ko pang balikan ang mga alaala.
Ikaw, mahal, ay hindi na babalik pa.

Default image
Merry Princess Joe

Leave a Reply

Please Login to comment
  Subscribe  
Notify of