Dalampasigan

Dito kita unang nakilala,
Dito kita unang inibig,
Dito Sabay tayong nangako,
Na habang may alon sa dalampasigan
Ang pamamahalan natin ay ‘di matutuldukan.
Nang ikaw ay bumitaw,
Ito rin ang lagi kung binabalikan.
Ang buhangin at alon na humahalik sa aking mga paa,
nagbibigay lakas sa puso kung nanghihina.
Gusto kung sumigaw ng malakas,
Hanggang marinig ako ng mga bituin at buwan.
Hanggang balutin ng lamig ang aking katawan.
Hanggang mapaos sa kasisigaw
Hangagang ang sakit na nadarama ay matunaw.
Hanggang matutunan kung ikaw ay kalimutan.
Palagi kung binabalikan ang dalampasigan
Naglalakad ng di ka na kasama.
At sa pag-uwi ko baon ko ang pag-asa
Na sa pagbabalik ko’y limot na kita.

Default image
Sheng Milante Castro