the ugly writers

Ang Tunay na Saya

Walang pag-ibig na sa huli ikaw rin ang kawawa.. Mahalin nalang natin ang sarili at magpakatotoo. Sapagkat ang tanging nagkapagpapasaya ng iyong buhay Ay ang sarili mo lamang.

Ang Tunay na Saya is a tagalog poem written and shared by Jelyn V. Chavez to The Ugly Writers for the month of March 2020.

 

Ang Tunay na Saya

 

Saya..

Ano ba sa iyo ang tunay nitong kahulugan?

Iyon bang mayroon kang isandaang kaibigan.

Ngunit di mo alam kung sila ba ay tunay at maaasahan…

Sa saya ay nariyan ngunit sa kalungkutan ay nang-iiwan…

Iyon ba na may milyon-milyon kang kang kayamanan..

Ngunit binabago naman nito ang iyong sarili at kaasalan..

At darating ang panahon na kahit sarili mo ay kaya mong tapakan

Luha pala ay kapalit at kapahamakan..

Kaligayahan na natatamasa mo sa iyong kasintahang ubod ng kagwapuhan

Ngunit ugali ay di hamak ang kapangitan

Na kayang paikutin ang iyong isipan

Sapagkat ikaw at hamak na nagbubulag-bulagan.

Kasiyahan ba kung ituring ang pag-ibig

Na sa bawat ngiti luha ang kapalit..

Sa umpisa akala mo anong saya ang nadaramang akin..

Ngunit hindi mo alam sa iba na pala ikaw ay ipinagpalit..

Ang tunay na saya ay hindi makikita sa nais mong dahilan..

Sapagkat sa totoo’y ikaw ay durog na durog

Dahil akala mo lahat ng bagay ay walang hangganan

Kaya pala ang totooy  sa sarili mong patibong ikaw ay nahuhulog

Ang tunay na saya ay makikita mo kung ikaw ay nag-iisa..

Payapa ang isip, kontento sa mga bagay na nasa paligid.

Walang isangdaang kaibigan na turing sayo ay nakakahiya…

Walang kayamanang,buhay ay sinisira..

Walang pag-ibig na sa huli ikaw rin ang kawawa..

Mahalin nalang natin ang sarili at magpakatotoo.

Sapagkat ang tanging nagkapagpapasaya ng iyong buhay

Ay ang sarili mo lamang.

 

If you liked Ang Tunay na Saya, feel free to read previous works under the theme All Filipino only here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Jelyn V. Chavez
Articles: 1

12 Comments

Leave a Reply