Hayop Ka is a tagalog spoken word poetry performed and shared by Merry Princess Joe to The Ugly Writers for the month of March 2020.

 

Hayop Ka

 

Naaalala mo pa ba yung mga araw na kay saya?
Yung mga ngiti na hanggang tenga.
Ikaw nagbigay nun diba?
Yung mga kinang ng mata.
Yung mga yakap na kay higpit.
Yung mga nakaw na halik na matatapos sa tawanan at palitan ng salitang “mahal kita”.

Sa sobrang ayaw natin mawalay sa isa’t isa kahit buong araw tayong magkausap, matutulog nalang naka videocall pa.

Ikaw pasimuno non diba?
Yung maya’t maya text, maya’t maya update.
Tawag, text at palitan ng selfie.
Sayo lahat nanggaling yan eh.
Kahit magkasama lang tayo kanina lumipas lang ilang minuto kausap nanaman kita sa phone.

Tapos nung nasanay na ko binitawan mo ko.
Napakadami mong rason.
Babalik kuno pero sa ibang babae naman lumingon.
Gwapong gwapo ka sa sarili mo,
nakatago ka naman sa saya ng nanay mo.

Sa susunod wag kang magsimula kung di mo kayang ipagpatuloy.
Wag kang maglalaro ng feelings ng babae.
Sasabihin mong mahal mo, sasanayin mo na anjan ka.
Tapos bigla mong iiwan.
Wag ganun pre.
Nakakasakit ka na pare.
Itigil mo na yang hanggat maaari.
Baka sa susunod ikaw ay mayare.
Hayop ka.

 

Kung naibigan mo ang likhang Filipino na Hayop Ka, basahin ang iba pang gawang tagalog dito:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers