Ang Bahaghari

Ang Bahaghari is a spoken word poetry entry written and shared by Jelyn V. Chavez to The Ugly Writers with the theme Pandemic for the month of April.

 

Ang Bahaghari

 

Sakuna, kaguluhan,kagutuman at sakit gawa ng isang epidemya..

Lahat nang iyan ay nakakatakot diba?

Lahat ng tao’y nalulungkot at nangangamba..

Sapagkat ang bawat kapalit ng kalungkutang ito buhay ay nawawala.

Kasiyahan na naplano na nang kaytagal ngunit sa isang iglap matatapos ng bigla..

Tanong ko minsan…

Panginoon nasaan ka na? Mga tao,  mga anak mo na iyong nilikha..

Nagsusumamo, nagmamakaawa, nagdarasal.Na sana isang araw ikaw ay magkaroon ng isang himala..

Himala na sana’y matapos na ang isang epidemyang maaring kumitil ng buhay ko, buhay niya at buhay maski ng isang bata…

Batang walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa paligid niya.

Minsan akin napagtanto,  ang buhay ay sadyang kay biro.

Ang kalungkutan minsan umiibaw, sumisira sa puso at ating isipan.

Pero kaibigan wag mag alala.

Lahat ng ito ay isang araw ay matatapos na..

Lungkot ay mawawala.. Pighati ay huhupa na..

Wag matakot at wag mangamba sapagkat ang Bahagharing hinihintay natin ay parating na…

Bahagharing kukulay sa ating buhay..

Bahagharing magbibigay ng pag-asa sa lahat.

Bahagharing magbibigay ng ngiti sa bawat isa..

Kaya manalig kalang kaibigan..

Panginoon ay nariyan..

4

4 Comments

Ang bahaghari ay sumisimbolo sa panibagong bukas kung saan binibigyan tayo ng lakas na malagpasan ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay.

Alam ko na may awa ang diyos at hindi nya tayo papabayaan, epidemiya lang to at kaya natin to malagpasan basta sa tulong ng panginoon magtiwala lang tayo. Hindi tayo bibigyan ng pagsubok ng diyos kung hindi natin kayang malagpasan ito.

Joanna Mae Andrade

You’re so great. I’m amaze how you express the thoughts about the rainbow. Ito yong rainbow na ito yong magsisilbing pagasa natin lahat kaya wag tayong sumuko, ito’y magbibigay ng panibagong bukas sa ating lahat.

Jelyn V. Chavez

Salamat at nagustuhan niyo ang aking maikling tula 😊

Lahat ay malalagpasan natin …. Dahil sa dulo ng bawat bahaghari ay saya….

Leave a Reply