the ugly writers

Luha ng Puso

Bawat patak ng pagmamahal sa puso ko, na hinding hindi na makakarating sayo.

Luha ng Puso is a tagalog poem written and shared by Merry Princess Joe to The Ugly Writers under the theme Pandemic this month of April.

 

Luha ng Puso

 

Tama pa nga ba?

O maling mali na?

Mabigat na.

Pero tama bang kinakaya ko pa?

Nagmumukhang tanga

Pero minamahal ka pa.

Napapagod na,

Pero bakit lumalaban pa?

Sarili ko na dapat muna,

Pero bakit naiisip ka pa?

Ganto ba ko katanga?

Sarili’y pinaparusahan pa.

Tinataboy mo na,

ngunit tila puso ko’y hawak mo pa.

Tapos na sa pagluha ang aking mga mata.

Ngunit sa pagsulat ng tula, puso’y lumuluha pa.

Yung mga luha na ibinubuhos sa bawat letra.

Bawat patak ng pagmamahal sa puso ko,

na hinding hindi na makakarating sayo.

Ganto ba talaga?

Kahit sa puso ko’y wala kang awa.

Pero hinahanap ka pa.

Kahit sa aki’y wala ka na.

At hindi na babalik pa.

 

Catch previous works by Merry Princess Joe only here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

 

0 0 vote
Article Rating
Default image
Carolaine
Subscribe
Notify of
1 Comment
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments
Joanna Mae Andrade

Lahat ng nagmamahal nasasaktan kong ayaw sayo nong tao wag mong pilitin yong sarili mo. Espesyal ka dapat minamahal ka, pinapahalagahan. Wag mong iyakan ang ibang tao dahil mas may hihigit pa sa worth nila sayo. Mahalaga ka ate girl. 😊

1
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x