Ang Nakaraan

Ang Nakaraan is a tagalog poem written by Merry Princess Joe and shared with The Ugly Writers under the new theme One Step Forward, Two Steps Back for the month of August.

 

Ang Nakaraan

 

Ikaw yung tao na sobrang hirap kalimutan.
Yung tipong ilan buwan bago natuyo ang mga luha sa aking unan.
Ilang buwan ko iniiyakan kung paanong storya nati’y nagwakas.
Hanggang sa naisip ko na bakit parang sa buhay ko lang may bakas.
Ikaw pala’y tila bata na dinadaanan lamang ang mga pahina ng libro.
Minamasdan lamang ang mga larawan dahil bago sa paningin mo.
At sa pagdaan ng panahon ay nanawa na rin at binitiwan mo.
Naghanap ng bago at iniwanan ang librong minsang nagpasaya sayo.

Nais ko mang ipaliwanag sayo na ang pag-ibig ay hindi dapat ganito.
Ngunit aking napagtanto, oras ay hindi na dapat ilaan sa isang tulad mo.
Sapagkat ano man ang sabihin ko ay wala ng magbabago.
Mga tulad mo’y hindi na bago sa aking mundo.
Mga taong ginagawang libangan ang mapaibig ang tulad ko.
Ngunit sa dulo ay bibitawan at masasaktan nanaman ako.
Mga matamis at mapangakong binigkas ng labi mo.
Noo’y mistulang awit sa aking pandinig,
Ngunit tila lason na unti unting nagpapahina sakin sa oras ng paglisan mo.

Bakit nga ba may mga katulad mo?
Sa una’y mistulang sabik sa pagmamahal.
Na tila’y gagawin lahat mahalin lamang.
Ngunit sa oras na ito’y mahulog sa patibong,
sa mga salitang kay tamis ng ugong.
Walang pakundangang iiwanan at bibitaw lamang.
Mistulang lumuluha at tila’y mundo mo’y gumuho rin sa pagbitaw mo.
Ngunit sa pagtalikod mo ay tila kabaliktaran ang pinapakita ng bawat kilos mo.

At mula noon aking napagtanto na sa panahon na ito ay tila wala ng totoo.
Kung gaano kadaling itapon ng iba ang tiwalang binigay mo.
Kung gaano kabilis sabihin na mahal mo ako.
Ay ganoon din kabilis nawala ang lahat ng ito.

Kaya ikaw, ikaw na ang hirap kalimutan.
Naging dahilan ng pagluha sa mga unan.
Ako man ay nahirapan, dapat parin kitang pasalamatan.
Sa bawat pag patak ng luha ako may natutunan.
Mahulog sayo ay hindi kasalanan o kamalian.
Ito ay parte lamang ng daan papunta sa taong nakalaan.
At ikaw, ay syang parte na lamang ng aking nakaraan,
na kailan man ay hindi na nanaisin pang balikan.

Salamat sa nakaraan.

 

Please support Merry Princess Joe by reading her previous entries only here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

0

No Comments

No comments yet

Leave a Reply