the ugly writers

Isang Hakbang

Pasulong patungo sa bukas, Paatras sa takot na mag wakas. Sandaling paghinto upang huminga, Nang magmadali'y hinahabol ang hininga.

Isang Hakbang is a tagalog poem written by John Joseph Flores and shared with The Ugly Writers under the theme One Step Forward Two Steps Back for the month of August.

 

Isang Hakbang

 

photo-1542834759-0864dbb73938

 

Pasulong patungo sa bukas,
Paatras sa takot na mag wakas.
Sandaling paghinto upang huminga,
Nang magmadali’y hinahabol ang hininga.

Lumandas habang tumatanaw,
Lunurin ang isipang uhaw.
Tumakbo habang pikit ang mata,
Ipaliwanag kahit di makapagsalita.

Bumabagtas sa kadilimang yumayakap,
Iniiwasan ang katotohanang di malasap.
Nang madapa’y bumagsak ang isipan,
Nilugmok ang sarili sa balikong daan.

Ngunit sa muling pagsilip,
Hangin ay umihip.
“Kaya mo pa, muling simulan.
Isang hakbang patungo sa daratnan.”

Maging tanglaw ka sa kadiliman ng iba,
Magnining ka tulad ng tala na kay ganda.
Maging ilaw ka sa pagtahak ng kadalisayan,
Maging liwanag sa panahong ng kabiguan.

Bagtasing ang daang walang kasiguraduhan,
At isalasay ang liham ng kalayaan.
Pakinggang ang hinaing ng walang kakayahan,
At kumilos para sa mundong di maliwanagan.

 

If you liked this particular piece, please read other entries under our Tagalog Poetry Collection:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
John Joseph Flores

Leave a Reply