the ugly writers

Bakit

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Yung ideya na minahal mo ako ngunit hindi nagtagal o yung hindi naman talaga ako, hindi naman talaga ako ang minahal mo.

Bakit is tagalog essay written by Vanessa Enfectana and shared with The Ugly Writers under the theme One Step Forward Two Steps Back for the month of August.

 

Bakit

 

Bakit ang sakit?

Bakit ang sakit pa din?

 

Ang daming katanungan ang gumugulo sa aking isipan

Minahal mo ba ako?

Meron bang kahit anong totoo sa mga pinakita mo?

Bakit ka nagbago?

Bakit mo ko niloko?

 

Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Yung ideya na minahal mo ako ngunit hindi nagtagal o yung hindi naman talaga ako, hindi naman talaga ako ang minahal mo.

 

Baka nga minahal mo ako tas nafall out of love ka lang

Pero ang sakit. Kasi saan ako nagkulang

Bakit hindi ko nalang sinabi, baka sakaling napunuan ko pa.

Saan ako nagkamali?

Dapat ba nanahimik nalang ako nung nakita kitang may kalandiang iba?

Dapat ba nanahimik nalang ako nung nakita Kong nagmamakaawa ka sa atensyon nya?

Dapat ba nanahimik nalang ako kahit ang sakit sakit na?

 

O baka naman hindi mo talaga ako minahal

Baka naman natakot kalang mag isa kaya kinuha mo ako, dahil alam mong handang handa akong samahan ka

Na andito lang ako, handang magpakatanga

Bakit?

Bakit kailangan mo akong saktan ng ganto

Bakit?

Bakit di mo nalang sinabi?

Bakit nung tinanong kita, sabi mo mahal mo ako.

Bakit? Bakit mo niloko?

 

Please support Vanessa Enfectana by reading her previous entries at The Ugly Writers:

never enough

IMG_20180719_100017_468000

when the battle is over

Default image
Vanessa M. Enfectana

Leave a Reply