the ugly writers

Talo Tayo

Dahil ang laban ng pag-ibig ay hindi nadadaan sa pag-eensayo Ito ang sugal na itataya mo ang buong sarili mo Kahit walang kasiguraduhan ang pagkapanalo At ang mas masakit, sumusugal tayo kahit alam nating matatalo.

Talo Tayo is a tagalog essay written by Patricia Lyn Bacsa and shared with The Ugly Writers under the theme One Step Forward Two Steps Back for the month of August.

 

Talo Tayo

 

Handa na ako.

Matagal akong naghanda para mapagtagumpayan ito.

Sa lahat ng laban laro man o pang-akademiko

Lubos napag-eensayo ang iginugol ko dito.

 

“Handa na ako”

Yan din ang madalas na linya ng mga taong palaban katulad ko.

Kahit kakaba-kaba ay lalaban hanggang dulo.

Pero, iba pala yung paghahanda kapag laban na ng puso

 

Kahit ilang beses mo pang sabihin ang “handa na ako”

Kahit ilang araw kapag mag-ensayo

Kapag ayaw sayo ng taong gusto mo

Hinding hindi ka mananalo

 

Dahil ang laban ng pag-ibig ay hindi nadadaan sa pag-eensayo

Ito ang sugal na itataya mo ang buong sarili mo

Kahit walang kasiguraduhan ang pagkapanalo

At ang mas masakit, sumusugal tayo kahit alam nating matatalo.

 

“kala ko pa naman handa na ako”

Handa lang pala akong lumaban pero di ako handa sa sakit na dulot nito

Sabik lang pala akong manalo pero takot akong tanggapin ang magiging pagkatalo

Kala ko pa naman matapang na ako sa pagsugal sayo

 

Ngunit takot pala akong hindi mo masuklian ang mga ipinusta ko

Kala ko kase lahat ng laban ay pare-pareho

At lahat ng laban ko ay kaya kong ipanalo

Pero, iba na pala pag laban ng puso mo at ng taong di ka gusto.

 

Please support Patricia Lyn Bacsa by reading her previous entry at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Patricia Lyn Bacsa

Leave a Reply