inbound2590202946246371303

pinta

Ang ganda mo sa tuwing tinatalo ng dilim ang liwanag ng munting dilaw na ilaw sa dingding.

Pinta is a tagalog poem written by John Ernest Davis and shared with The Ugly Writers under the theme One Step Forward Two Steps Back for the month of August.

 

pinta

 

inbound2590202946246371303

 

Isang magulong pinta,
mahirap intindihin,
walang ibang masilayang kulay maliban sa itim.

Talim, liwanag at hambing,
tingkad ng pinturang hinding
hindi mababahiran ng anumang kulay ng lambing.

Isang magulong pinta,
ang sarap mo sa paningin,
dulot na alon ng ‘yong paghagod
sa kulot na dahon ng hardin.

Ang ganda mo sa tuwing
tinatalo ng dilim
ang liwanag ng munting
dilaw na ilaw sa dingding.

Maraming nakabantay
pero walang nakatingin.
Lihim ang lalim ng sining
na iyong nais paratingin.

Maraming nakabantay
‘di ka ma’aring salingin.
Gustuhin ka mang dalhi’y,
mahal, mahirap ka’ng bilhin.

Mahal.

~

Ernest
pinta, 2018

Default image
John Ernest Davis

Leave a Reply