the ugly writers

Magpahinga na tayo

Balikan natin kung pano tayo nagsimula Baka sakaling mahanap natin ang mga sagot Sa ating pangungulila

Magpahinga na tayo is a tagalog poem written by happenstance and shared with The Ugly Writers under the theme Break Out for the month of September.

 

Magpahinga na tayo

 

Tara, subukan ulit natin
Subukan ulit nating tumaya
At umasang sa pagkakataong ito
Tayo ang mananalo

Balikan natin kung pano tayo nagsimula
Baka sakaling mahanap natin ang mga sagot
Sa ating pangungulila

Isa pa
Isa pang pagkakataon
Para sa pagmamahalang
Kay hirap nang ipaglaban

Pagbigyan natin ang mga sarili
Na patunayan na sapat ang pag ibig
Para ikaw ay maunawaan

Pero mahal,
Parang hindi ko na ata kaya
Dahil sa pagkakataong ito
Pagod na ako
Pagod na ‘kong sumugal
Pagod na ‘kong umasa
Pagod na ‘kong lumaban
Pagod na ‘kong umintindi
Pagod na ako sa lahat…

Gusto ko nang palayain
Ang aking sarili
Sa pagmamahalang
Alam nating hindi magiging sapat
Kailanman

Gusto ko na magpahinga
Sa sakit na dulot
Ng iyong pagmamahal
Ng iyong pag aalaga

Patawarin mo ko, mahal
Hindi ako nakatagal

Pangakong nandito lang ako
Para sayo
Hanggang sa kamatayan ko

Ikaw lang ang gusto kong makasama
Ikaw lang ang aking mahal
Ikaw lang ang kailangan ko
Pero hindi ako, ang sayo

Default image
happenstance

Leave a Reply