the ugly writers

Pagsubok Lamang Ito …

Bawat isa sa atin ay may nakalaang oras .... Oras na nagbibilang ng mga sandali natin sa mundo ... Oras na patuloy na umiikot kasabay ng pag-ikot ng bawat kapalaran ng tao.

Pagsubok Lamang Ito is a tagalog spoken word poetry entry by Jelyn V. Chavez and shared with The Ugly Writers under the theme Break Out for the month of September.

 

Pagsubok Lamang Ito

 

Nakakatakot..
Nakakabagot..
Hindi natin alam kung anong kapalaran natin ngayon…
kung ano tayo bukas, makalawa, o sa hinaharap.

Bawat isa sa atin ay may nakalaang oras ….
Oras na nagbibilang ng mga sandali natin sa mundo …
Oras na patuloy na umiikot kasabay ng pag-ikot ng bawat kapalaran ng tao.

Dapat ba tayong matakot??
Dapat ba tayong mangamba??

Hindi. Dapat lagi tayong handa. Dapat lagi tayong gumawa ng maganda sa bawat oras at minuto na gugugulin natin sa mundong ito.

Dapat ba tayong huminto?
Dapat ba tayong mapagod?

Mapagod sa mundong ginagalawan na halos bawat tao’y nakamasid, nagbabantay at umiiwas.

Kailangan bang huminto? Kung alam natin na sa dulo nito ay isang bahagharing naghihintay lang sa atin??

Hindi… nararapat na tayo ay magpatuloy.
Magpatuloy na humakbang kahit gaano kataas ang bawat madadaanan..Daanang akala mo’y walang katapusan.

Walang katapusang paghihirap…
Walang katapusang pagluha..
Walang katapusang paggapang…

Hayaan mo kaibigan, ang bawat pagsubok ay may katapusan..

Manalig ka lang

 

Please support Jelyn V. Chavez by reading her previous entry at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Jelyn V. Chavez

Leave a Reply