the ugly writers

Sa Susunod

Sana sa susunod ay ako nalang, ako nalang iyong magugustuhan mo. Ako na’lang iyong hanggang sa dulo ay makakasama mo. Hindi lang mula sa pagkamusmos kundi hanggang sa ikaw ay maging Lolo. Ako na’lang iyong pipiliin ng iyong puso. Ako lang ang siyang laging nasa tabi mo hanggang sa magwakas ating mundo.

Sa Susunod is a tagalog spoken word poetry entry by Ann Louelen B. Estrada and shared with The Ugly Writers under the theme Break Out.

 

Sa Susunod

ni Ann Louelen Estrada

 

image-asset

Sana sa susunod na henerasyon muling ipanganak ang ikaw at ako. Sa susunod nating buhay muli tayong magtatagpo. Kung saan istorya nating dalawa ay magsisimula na agad sa isang pangako. Isang pangako na hindi na kailangang maghintay at ang lahat ay maging malabo. Walang katanungan at takot sa aking puso. May lakas na ng loob sabihin sayo, kahit sa isipan ko ay kaya pang ipako.

Sana sa susunod nating buhay maging ako at ikaw. Hahayaan mo ako na sa buhay mo ako ang maging tanglaw. Magiging saksi ang langit maging madilim man o bughaw. Ako magbibigay ngiti sa’yo sa bawat araw.  At ang pagtingin ay hindi magbabahaw.

Sana sa susunod nating kuwento tayong dalawa ang bida. Sa ating palasyo, ikaw ang prisipe at ako ang prinsesa.  Kung may makakalaban man haharangan ko ang sayo’y nais pumana. Hindi kailangan sa gabi ibuo ang larawan mo sa mga tala. Dahil sa bawat gabi sa ilalim ng buwan tayo ang magiging magkasama. Hindi na kailangan maghintay sa panahong mahaba. Walang tamang panahon at hindi makararamdam ng pagkabahala. Sapagkat sa libro na ito ang wakas ay magiging masaya. Ang mga mag-aabang sa’ting istorya ay walang mababasang salitang “sana” at “akala.”

Sana sa susunod ay hindi lang magiging biro ang lahat. Sa iyong bibig hindi lang sasabihin sa’kin ang salitang salamat. Ang pagmamahalan natin ay hindi lang isang alaala kundi magiging alamat. Magkakaroon ng lakas na loob na sabihin ang totoo at nararapat. Hindi ‘yong magkukunwari at mananatiling nakatago sa likod ng malaking puno sa gubat. Sa bawat araw na kasama ka hindi ko hahayahang maging salat. Hindi ako papayag  na ang nararamdaman ko sa’yo ay kailangan ko pang isukat.

Sana sa susunod na mundong mapuntahan natin ay hindi ka bulag at hindi ako manhid. Sa mundong iyon di tayo mananatiling sampid. O kung umalis ka man ika’y aking ihahatid. Sa mundong iyon walang pag-iiyakan na silid. Pakiramdam ko ay mananatiling nasa himpapawid. Sa lugar kung saan ating pakiramdam ay ating mabatid. Hindi katulad ng isang pakiramdam na nakagapos at nakakulong sa isang bilibid.

Sana sa susunod ay ako nalang, ako nalang iyong magugustuhan mo. Ako na’lang iyong hanggang sa dulo ay makakasama mo. Hindi lang mula sa pagkamusmos kundi hanggang sa ikaw ay maging Lolo. Ako na’lang iyong pipiliin ng iyong puso. Ako lang ang siyang laging nasa tabi mo hanggang sa magwakas ating mundo.

Subalit sa ngayon ay hindi muna tayo. Hindi muna ako ang para sa iyo. At hindi muna ikaw ang para sa katulad ko. Wala munang magiging silbi ang alaala at pangako. Dahil ito ang panahon na hindi talaga ikaw at ako. Kaya patawad kung sasabihin ko pa’rin sa iyo ito, na kahit matagal ako noong naghintay ay hindi ‘yon magiging sapat para sumuko. Dahil maghihintay pa’rin ako sa susunod nating buhay kung saan magiging ikaw na at ako. Kahit pangalan natin ay tuluyan nang nagbago, pati na’rin an gating pagkatao. Sa ibang mundo, sa susunod nating kwento ay mananatili pa’rin sa’yo ang aking puso.

 

Please support Ann Louelen B. Estrada by reading her previous entries here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

 

Default image
ANN LOUELEN B. ESTRADA
Creative Mind Wildest Imagination Because i am a WRITER

Leave a Reply