the ugly writers

Padayon

Ang bawat 'sang kataga ang siyang magsisilbing tangway, Mga katagang katotohanan ang s'yang tinataglay. Ito rin ang magsisilbi at gagamitin kong pangkulay, Sa pagpinta ng isang bagong kabanata ng aking buhay.

Padayon is a tagalog poem written by John Joseph Flores and shared with The Ugly Writers under the theme Break Out for the month of September.

 

Lamunin man ng ilang libo at ilang daang taon,
Lumipas man at dumating ang makabagong panahon,
Ngunit ‘di nito matutupok ang aking dedikasyon,
Pagkat walang sayang laging may tamang pagkakataon.

Tuluyan mang maubos ang tintang aking kinagisnan,
Patuloy paring susulong para sa kinabukasan.
Magsisilbing tinta ang pawis ng aking kaisipan,
At ihahalo sa luha ng aking nararamdaman.

Ang bawat ‘sang kataga ang siyang magsisilbing tangway,
Mga katagang katotohanan ang s’yang tinataglay.
Ito rin ang magsisilbi at gagamitin kong pangkulay,
Sa pagpinta ng isang bagong kabanata ng aking buhay.

Ang pagkaubos ng aking tinta’y ‘di magiging hadlang,
Ito’y pag-asa na ang bagong paraa’y isisilang.
Patuloy na aabutin ang pangarap na kay kinang,
At sa dulo nito’y masasabi mong “walang nasayang!”.

 

Please support John Joseph Flores by reading his previous entries at The Ugly Writers:

the ugly writers

Apollo 2

Default image
John Joseph Flores

Leave a Reply