the ugly writers

Mundo

Ang hilig mong maglakbay. Nakikigulo sa mundo ng iba't ibang tao na mararaanan mo. Ang hilig mong ayusin yung mga taong sa dulo'y naging dahilan din ng pagkawasak mo.

Mundo is a poem written by Merry Princess Joe and shared with The Ugly Writers for the month of November.

 

Mundo

 

Ang hilig mong maglakbay.
Nakikigulo sa mundo ng iba’t ibang tao na mararaanan mo.
Ang hilig mong ayusin yung mga taong sa dulo’y naging dahilan din ng pagkawasak mo.

Ang hilig mong magpunas ng mga luha ng iba, kahit sa dulo’y ikaw mag isa ang magpupunas ng sa iyo.
Lagi mong iniisip ang kasiyahan ng iba at nalilimutan ang kasiyahan mo.

Paulit ulit mong hinahayaan sila sa mundo mo.
Kahit sa pakiramdam mo na lumiliit at unti unting nadudurog ito.
Pilit mong binubuo yung mga tao na wala namang pakialam sayo.

Mistula kang kandilang binibigyan ng liwanag ang madidilim nilang mundo.
Habang unti unti kang nauubos, nalulusaw at lalagapak sa semento.
Muli mararamdaman mo nanaman ang lamig ng mundo.
Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay mo.

Maglakbay kang muli.
Makigulo sa mundo ng mga taong nararaanan mo.
Magbigay liwanag sa madilim nilang mundo.
Pero wag na wag mong kalimutan ang sarili mong mundo.
Pagkat hindi ito magiging buo kung patuloy mong binubuo ang ibang tao.

 

Please support Merry Princess Joe by reading her previous entries only here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Carolaine

Leave a Reply