the ugly writers

Kung Tayo

Puso ko man ay hindi mapakali. Isipan man ay nagbabakasakali. Pipiliin parin lumakad palayo.

Kung Tayo is a tagalog poem written by Merry Princess Joe and shared with The Ugly Writers for the theme Recovery for the month of March.

 

Kung Tayo

Ikaw yung taong sobrang hirap akong kalimutan.
Tipong sa sobrang sakit, mga luha’y pumapatak ng di namamalayan.
Tipong humingi na ko ng tulong sa bathala.
Para lang lahat ng ito’y mawala..

Ngunit hindi ko inaasahan na sa isang iglap,
babalik ang lahat ng walang hirap.

Yung puso kong akala kong nakalimot.
Mga yapak ko na akala kong nakalayo na sa lungkot.
Nahanap ko nalang ang sariling papalapit sayo.

Sayo nanaman patungo ang mga paa kong pinilit lumayo.
Ikaw nanaman ang hinahanap ng mga mata na lumuha ng paulit ulit dahil sayo.
Alaala mo nanaman ang binabalik ng isipan ko.

Ikaw nanaman ang hinahanap ng puso ko.

Kaya ako’y lalayo.
Lalayag palayo sayo.
Walang dahilan para manatili pa.
Pagkat nung una palang ay ako ang naiwan diba?

Puso ko man ay hindi mapakali.
Isipan man ay nagbabakasakali.
Pipiliin parin lumakad palayo.

Pagkat ang mga katagang “mahal parin kita” at “ikaw parin pala” ay hindi matanggap ng isipan ko.

Mahal pag pasensyahan mo.
Sa pagkakataong ito, sarili ko ang pipiliin ko.

Pero nais kong tandaan mo,
na kahit malayo ako.

Kung tayo talaga,  tadhana ang syang magsasabi nito. 

Kung para sakin ka, kahit mawalay pa, hahanapin ng puso ang daan pabalik sayo. 

Dahil ilang ulit ko man itanggi sa sarili ko ito.
Paulit ulit ko man lokohin ang sarili ko.
Pero ikaw parin pala, mahal ko.

 

Please support Merry Princess Joe by reading her previous entries only here at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

 

Please check out Depression | Recognizing Depression, Causes and Treatments by our friends at Weighted Blanket Guides.

Default image
Carolaine
Articles: 11

One comment

Leave a Reply