the ugly writers

Pag-iisa

Madalas ang pananahimik ay senyales ng lubos na pagkabahala Pinipigil ang emosyong gusto ng makawala Ngumingiti kahit luha'y nahahalata At ikukubli ang lahat sa likod ng maskara

Pag-iisa is a tagalog poem by Ms. Patricia Lyn Bacsa and shared with The Ugly Writers for the theme Recovery for the month of March.

 

Pag-iisa

 

Minsan payapa, madalas magulo.
Minsan maingay, madalas nakayuko.
Minsan masaya, pero mas madalas yung tuliro.
Hindi ko alam, pero bakit ganito?

Madalas ang pananahimik ay senyales ng lubos na pagkabahala
Pinipigil ang emosyong gusto ng makawala
Ngumingiti kahit luha’y nahahalata
At ikukubli ang lahat sa likod ng maskara

Natatakot magsalita, tila may busal ang bibig.
Maraming nakapaligid pero walang gustong makinig
Puno ng hinagpis ang kakabog-kabog na dibdib
At noong ito’y sumabog, walang nakarinig.

May nakakapansin, pero walang may pakialam
Iniisip ng iba baka ito’y kahibangan
Walang nag-aalala sa nararamdaman
Hanggang sa masanay, naging manhid na lamang.

Dumating ang mga araw na tila gulong gulo
Hindi na mawari kung alin ang elusyon at ang totoo
Minsan naliligaw nadin kung saan tutungo
At napapatanong sa sarili “ako pa ba ito”?

Malaki na ang sugat pero di na ramdam ang sakit.
Matigas na ang pusong paulit ulit pinukpok ng pait.
Pinilit maging masaya pero di nakalimot sa galit.
Tama na ang minsan, kahit na saglit.

 

Please support Patricia Lyn Bacsa by reading her previous entry at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Patricia Lyn Bacsa
Articles: 4

One comment

  1. I wish if there was English translation. Or a note of few lines in English stating the gist of the poem.
    Regards n all the best wishes

Leave a Reply