the ugly writers

Laro

Mahirap pero di kita susukuan Pero hanggang kailan? Nakakapagod na ding mag intay Lalo na't walang kasiguraduhan

Laro is a tagalog poem written by Red Sy and shared with The Ugly Writers under the theme Games We Play for the month of April.

 

Laro

 

Hindi ko inakala
Na may magmamahal sa akin
Ng tapat
Ngunit hindi buo

Laro lamang ang lahat
Kuntento naman na ako doon
Pero sumugal ka pa rin

Naging tayo
Naging masaya tayo
Nakalimutan ko kung anong relasyon
At sitwasyon ang pinasukan ko

Binigay mo lahat
Oras
Pasensya
Pag intindi
Suporta
Pagmamahal
At ang sarili mo

Walang araw na hindi ko pinagdasal
Na sana dumating na yung pagkakataon
Na akin ka lang at ako lang

Ngunit alam kong
Kahit kailan
Ay hindi ako pakikinggan

Mahirap pero di kita susukuan
Pero hanggang kailan?
Nakakapagod na ding mag intay
Lalo na’t walang kasiguraduhan

Hindi ko alam
Kung ikaw ba ang sumugal
O ako?
Bakit ako yung natatakot matalo?
At parang kahit anong mangyari
Ikaw ang panalo

Hindi mo man ako piliin
Hindi man ako sa huli
May nag iintay pa rin
Sa iyong pagbabalik

Default image
Red Sy
Articles: 1

One comment

  1. I wish I could read. Shared in Twitter

Leave a Reply