the ugly writers

Lunod

Ako'y lunod sa emosyon, Yung pakiramdam na di mapaliwanag, Umaapaw hangga't matapon, Oras na para ilabas ang bigat na nakatali,

Lunod is a tagalog poem written by Cesar Banaag and shared via The Ugly Writers under the theme Just Barely for the month of October

 

Lunod

 

Ako’y lunod sa emosyon,

Yung pakiramdam na di mapaliwanag,

Umaapaw hangga’t matapon,

Oras na para ilabas ang bigat na nakatali,

Ang humihila sakin ngayon,

Dahilan upang ako’y malunod.

Ako’y lunod sa mga taong nakapalibot,

Sadyang mahirap akong unawain,

Kapag sarado ang kanilang utak,

Ako’y nagdudusa sa kanila,

Masyadong mapagsarili,

Di nila alam na ako’y nalulunod.

Ako’y lunod na lunod sa buhay,

Kung saan mag-isa ako na lumalaban,

Madaling sabihin na mababaw ang nilalanguyan ko,

Ngunit ako’y pinulikat sa aking paglangoy,

Mukhang kulang pa ang alak na aking iniinom,

Upang kalimutan na ako’y lunod.

 

Please support Cesar Banaag Jr and his previous work:

Utak

Default image
Cesar R. Banaag Jr.
Articles: 2

Leave a Reply