the ugly writers

KUNG TUNAY KANG NAGMAMAHAL

Kung tunay kang nagmamahal, kahit malayo man kayo, nananatiling magkarugtong ang inyong puso na hindi mo siya itinatanggi sa ibang tao at buo mong ipagmamalaki siya sa buong mundo.

Kung Tunay Kang Nagmahal is a tagalog poem written by Jelyn V. Chavez and shared with The Ugly Writers under the theme Shining Bright / Deepest Black for the month of November

 

KUNG TUNAY KANG NAGMAMAHAL

 

Ano nga ba ang pag-ibig lalo na sa nagmamahalan?

Yung pag-ibig ba ay sadyang walang hangganan o kaya’y naghihintay na lamang na wakasan ang bawat sinimulan.

Walang hangganan sapagkat hindi man sya ang una sa lahat ng bagay ngunit nais niya na siya ang huli at katapusan.

Katapusan na kung saan sila ay tatanda ng sabay.

Tatandang puno ng ligaya at pagmamahal na kahit ano mang pagsubok o di pagkakaintindihan ay nangingibabaw parin ang salitang pagmamahal.

Kung ang pagmamahal ay nais naman wakasan, sana ay timbangin ang bawat sinimulan .

Ano pa at inumpisahan kung nais naman palang wakasan ng agaran?

Walang kuwenta sapagkat hindi ka tunay na nagmamahal.

Sapagkat kung ikaw ay tunay na nagmamahal, walang pangit na bagay ang di maiintindihan.

Walang magulong pagtatalo ang di mo gagawan ng paraan upang ito ay itigil.

Ang tunay na nagmamahal ay walang hinihinging kondisyon, walang pag-aalinlangan, walang pangungutya, at dapat buo ang iyong pag-unawa sa isa’t-isa.

Kung tunay kang nagmamahal, lahat ng bagay tatanggapin mo upang ikaw ay tanggapin din niya ng buong-buo.

Kung tunay kang nagmamahal, hindi panlabas na anyo ang tinitignan mo kundi ang kalooban ng kanyang puso.

Kung tunay kang nagmamahal, kahit malayo man kayo, nananatiling magkarugtong ang inyong puso na hindi mo siya itinatanggi sa ibang tao at buo mong ipagmamalaki siya sa buong mundo.

Kung tunay kang nagmamahal, handa kang maging huli at unang taong makakasama niya buong buhay…

 

Please support Jelyn V. Chavez by reading her previous entry at The Ugly Writers:

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

the ugly writers

Default image
Jelyn V. Chavez
Articles: 9