the ugly writers

Magaya Sa Iba

Ayoko nang ma-ulit muli, Kailangan kong gumawa ng aksyon, Ang mga pangako'y dapat di na mabali, Tapang lamang ang aking solusyon.

Magaya Sa Iba is a tagalog poem written by Cesar Banaag Jr and shared with The Ugly Writers under the theme What Could Go Wrong? for the month of December

 

Magaya Sa Iba

 

*This is inspired from the song “Bata Dahan-Dahan” by IV of Spades.*

Ayoko nang ma-ulit muli,

Kailangan kong gumawa ng aksyon,

Ang mga pangako’y dapat di na mabali,

Tapang lamang ang aking solusyon.

Magandang araw pala hijo,

Gusto ko lang ibahagi aking kwento at karanasan,

Madalas ako noon nasa bar at umiinom ng mojito,

Ako ay umuuwi na sa umaga minsan,

Ako ay umuubos ng isang kaha ng sigarilyo,

Eto yung isa sa ayoko nang maging iyong bisyo.

Tandaan mo may pag-asa pa,

Tumakbo papalayo sa lahat,

Bumangon ka kung sakaling madapa,

Indahin ang iyong mga sugat,

Wag kang mangamba,

Di ka nag-iisa,

Ayokong magaya ka sa iba,

Ikaw at ako ay walang sala.

Tanggapin mong nagkamali ka,

Oo lahat naman tayo ay nagkamali,

Pero di masamang magkamali ka,

Hindi mo dapat gawin sa iyong sarili,

Tandaan mo may pag-asa pa,

Bumangon ka kung ikaw ay nadapa,

Wag kang mangamba,

Ayoko lang na magaya ka sa iba.

Bago magtapos ang ating pag-uusap,

Pakisabi ito sa iyong tatay,

Marahil hindi ka niya tanggap,

Dahil ito ang yung rason kung bakit maari kang mamatay,

Pero wag siyang mag-alala,

Ikaw ay walang sala.

Hijo bago ko makalimutan,

Wag kang mangamba,

Di ko hahayaan na magaya ka sa iba,

Bata hayaan mong baguhin kita  nang dahan-dahan.

 

Please support Cesar Banaag Jr by reading his previous entries here at The Ugly Writers:

Utak

the ugly writers

Default image
Cesar R. Banaag Jr.
Articles: 3